Lunes, Hulyo 26, 2010

P-Noy's 1st SONA speech

From the link http://www.gov.ph/2010/07/26/state-of-the-nation-address-2010-226/

President Benigno “Noynoy” Aquino’s 1st State of the Nation Address (SONA) Full Transcript: July 26, 2010 is a very memorable date in PNoy’s political career as he gives his very first SONA speech. Filipinos from all over the world attentively listened to his report and he was able to expose the different problems the Philippines is facing particularly when it comes to corruption.

For the sake of those who missed the live SONA, here it is:


Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;

Mga minamahal kong kababayan:

Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

Saan naman po dinala ang pera?

Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.

Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.

Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y sais porsyento ang dagdag.

Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.

Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:

Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meeting, katorse mil na. Aabot ng nobenta’y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.

Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at Financial Assistance. May Christmas bonus na, may Additional Christmas Package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta’y otso mil.

Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa’t kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.

Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed, puno ang kailangan. Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.

Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo. Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira – sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.

Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu’t anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ng budget na 425 million pesos.

Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyektong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.

Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.

Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.

Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.

Walumpu’t anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.

Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.

Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.

Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.

Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.

Kung naging matino ang pag-utang, sana’y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.

Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.

Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.

Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.

Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.

Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.

Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.

Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.

Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?

Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.

Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:

Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.

Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.

Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.

Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.

Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.

Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong mali.

Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.

Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.

Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.

Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.

Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?

Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.

Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang resolusyon.

Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.

Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.

Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.

Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.

Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.

Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.

Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.

Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.

May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.

Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:

Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu’t dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni MacArthur.

May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.

Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.

Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.

Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.

Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.

Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.

Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.

Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.

Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.

Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.

Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.

May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:

Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.

Ang dating listahan ng tatlumpu’t anim na dokumento, ibababa natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.

Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.

Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan. Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.

Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.

Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.

Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.

Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.

Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.

Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu’t pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento ang may coverage.

Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.

Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.

Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.

Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.

Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.

Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.

Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.

Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.

Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.

Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.

Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.

Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.

Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.

Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.

Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.

Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.

Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.

Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.

Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.

Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.

Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?

Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo.

Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.

Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.

Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.

Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.

Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.

Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?

Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?

Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw—kung iisipin nating “Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa”—magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.

Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.

Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?

Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

Maraming salamat po.

Biyernes, Hulyo 9, 2010

Eight political prisoners released

Eight political prisoners released
Thursday, 08 July 2010 07:06 PM Merck Maguddayao
http://www.thepoc.net/breaking-news/breaking-stories/8505-eight-political-prisoners-released.html

The eight political prisoners who were supposed to be released last month are free men today, the Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) reported.

The so-called “Freedom 8,” whose release orders were signed by former president Gloria Macapagal-Arroyo last June 25, are Orlando Bundalian Jr., Rogelio Galero, Rupert Lopez, Pedro Madera, Anacleto Mercader, Pedro Pascual, Mariano Reyes, and Rodolfo Tubera.

According to the TFDP, the eight are former activists in the early 1990s who were convicted of various criminal charges in connection with their alleged participation with various underground revolutionary groups and were detained for at least 15 years. Bundalian, one of the “Freedom 8,” was initially sentenced with the death penalty but was not executed due to the scrapping of the death penalty law in 2006.

According to Bundalian, who spoke for the "Freedom 8", their release was "conditional" and that they are required to report to the Bureau of Pardons and Parole every month as a condition for their release.

"Now that we are free, we will campaign for the release of other political prisoners. We urge the present administration of President Noynoy [Aquino] to release all political prisoners unconditionally," Bundalian said in a press conference held at the TFDP office.

Bundalian added that they are happy for their release but they are also sad at the same time because other political prisoners are still in jail.

The “Freedom 8” are the first batch of political prisoners to be released within the term of President Benigno Aquino III. According to TFDP, there are still 263 political prisoners detained in the Philippines.

Aquino's mother former President Corazon Aquino ordered the release of all political prisoners during her administration, which came after Martial Law. The younger Aquino, however, has not ordered the release of current political prisoners.

Meanwhile, Justice Secretary Leila De Lima said that she will “review” the case of 43 health workers who were detained by the military last March in Morong, Rizal. The 43 are accused of being members of the New People's Army.

Huwebes, Hunyo 10, 2010

Pres. Noynoy Aquino's inaugural speech

TRANSCRIPT: Pres. Noynoy Aquino's inaugural speech
Wednesday, 30 June 2010

Ang pagtayo ko rito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktadurya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawa’t isa. Namuhunan na po kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kakailanganin.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na magpagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa pwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa – nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na rito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalaala, pati ako ay napagisip din – talaga bang hindi na magbabago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito – dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman po ang umpisa ng kalbaryo ko, nguni’t kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagyan, na sa bawa’t taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago – isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago – isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan. Sigaw natin noong kampanya: ‘Kung walang corrupt, walang mahirap.’ Hindi lamang ito pang-slogan o pang-poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga ‘midnight appointments.’ Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastruktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na pwede ang ‘pwede na’ pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang ‘emergency employment’ ng dating Pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastruktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga lokal na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating buong ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

* de-kalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo;
* serbisyong pangkalusugan tulad ng PhilHealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon;
* tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, nguni’t para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga nang tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin ang papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili – lalaktawan na natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunuan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailangan ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Nguni’t habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA at ng OWWA, at iba pang mga kinauukulang ahensya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. sa hamon ng pagtatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all – may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawa’t isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito, taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, ‘it all works.’

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino, at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counter-flow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-isip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong – kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito – ang ating mga volunteers – matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na mga pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawa’t isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa – nasa inyo ang taospusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Sabado, Mayo 1, 2010

Sosyalismo: Utopyano at Syentipiko

Halaw sa:
SOSYALISMO: UTOPYANO AT SYENTIPIKO
ni Friedrich Engels

Noong 1831, ang unang pag-aaklas ng mga manggagawa ay naganap sa Lyons, Pransya; sa pagitan ng 1838 at 1842, inabot ng unang pambansang kilusang manggagawa, ang kilusang Chartista ng mga Ingles, ang rurok nito. Ang tunggaliang makauri sa pagitan ng proletaryado at burgesya ay sumulpot sa kasaysayan ng pinakaabanteng mga bansa sa Europa, sa katumbas na antas ng modernong industriya sa isang banda, at ng bagong kamit na pampulitikang kapangyarihan ng burgesya, sa kabila. Higit na pinalalakas ng mga kaganapan ang pagpapasinungaling sa mga turo ng ekonomyang burges hinggil sa pagkakapareho ng mga interes ng kapital at paggawa, sa unibersal na pagkakasundo at pangkalahatang kasaganaan na siyang iluluwal ng di-sinasagkaang kumpetisyon. Lahat ng bagay na ito'y hindi na maaaring isantabi, gaya ng sosyalismong Pranses at Ingles, na siyang teyoretikal bagamat di-perpektong ekspresyon nito. Ngunit ang lumang ideyalistang pananaw sa kasaysayan, na hindi pa rin natatanggal, ay walang nalalaman sa makauring tunggaliang nakabatay sa mga pang-ekonomyang interes; sumulpot lamang dito ang produksyon at lahat ng pang-ekonomyang relasyon bilang mga elementong nakapailalim at insidental sa "kasaysayan ng sibilisasyon".

Inobliga ng mga bagong kaganapang ito ang isang bagong pagsusuri sa lahat ng nakaraang kasaysayan. At dito'y nasaksihang lahat ng nakaraang kasaysayan, maliban sa mga primitibong yugto nito, ay kasaysayan ng makauring tunggalian; ang mga naglalabanang uri sa lipunan ay laging produkto ng sistema sa produksyon at ng palitan - sa ibang salita, ng pang-ekonomyang kalagayan ng kanilang panahon; ang pang-ekonomyang istraktura ng lipunan ay laging nagbibigay ng tunay na batayan, at mula dito'y makakatas natin ang ultimong paliwanag sa kabuuang suprastraktura ng mga institusyong panghustisya at pampulitika gayundin ang mga pang-relihiyon, pilosopiko at iba pang mga ideya sa isang takdang istorikong yugto. Pinalaya ni Hegel ang kasaysayan mula sa metapisika - ginawa niya itong diyalektiko; ngunit ang kanyang pananaw sa kasaysayan sa saligan ay ideyalista. Subalit pinalayas ang ideyalismo mula sa huling kanlungan nito, ang pilosopya ng kasaysayan; ngayon inihaharap ang isang materyalistang pagtrato sa kasaysayan, at natuklasan ang isang paraan ng pagpapaliwanag sa "kaalaman" ng tao sa pamamagitan ng kanyang "pag-iral", sa halip ng dating ang kanyang "pag-iral" sa pamamagitan ng kanyang "kaalaman".

Magmula noon, ang sosyalismo'y hindi na lamang isang kaisipang aksidenteng natuklasan ng maimbentong utak ng sinuman, kundi ang inaasahang ibubunga ng tunggalian sa pagitan ng dalawang uring may istorikong gulang - ang proletaryado at ang burgesya. Ang tungkulin nito'y hindi na ang lumikha ng isang perpektong sistema ng lipunan kundi ang suriin ang istoriko-ekonomikong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari kung saan ang mga uri at ang kanilang antagonismo'y obligadong sumulpot, at tuklasin sa mga iniluwal na kalagayang pang-ekonomya ang paraan ng pagpawi ng tunggalian. Subalit ang sosyalismo ng mga sinaunang panahon ay hindi rin angkop sa materyalistang pananaw na ito gaya ng hindi naging tugma ang pananaw sa Kalikasan ng mga materyalistang Pranses sa diyalektika at makabagong syensang pangkalikasan. Totoong binatikos ng sosyalismo ng mga sinaunang panahon ang umiiral na kapitalistang sistema ng produksyon at ang mga resulta nito. Ngunit ang mga ito'y hindi nito maipaliwanag, at kung gayo'y hindi kayang gamayin ang mga ito. Ang tanging kaya nitong gawin ay simpleng tutulan ang mga ito dahil tiwali. Habang pinatitindi ng mas naunang sosyalismong ito ang pagbatikos sa pagsasamantala sa uring manggagawa, na hindi maiiwasan sa ilalim ng kapitalismo, mas humihina ang kakayahan nitong ipakita nang malinaw kung ano ang nilalaman ng pagsasamantalang ito at kung paano ito lumitaw. Ngunit dahil dito'y kinailangang - (1) ipakita ang istorikong koneksyon ng kapitalistang pamamaraan ng produksyon at ang pagiging di-maiiwasang pag-iral nito sa isang partikular na istorikong panahon, at ipakitang hindi rin mapipigilan kung gayon ang pagbagsak nito; at (2) ilantad ang saligang katangian nito, na nananatiling isang sikreto. Nagawa ito sa pagkakatuklas sa sobrang halaga. Naipakita na ang pag-angkin sa di-bayad na paggawa ang batayan ng kapitalistang sistema ng produksyon at ng pagsasamantala sa manggagawa ang nagaganap dito; na kahit bilhin ng kapitalista ang lakas-paggawa ng kanyang manggagawa sa hustong halaga nito bilang kalakal sa pamilihan, nakakapiga pa rin siya mula dito ng halagang labis sa kanyang binayaran; na sa huling pagsusuri'y ang sobrang halagang ito ang bumubuo sa mga natipong halagang pinagmumulan ng pinagpapatung-patong na papalaki nang papalaking bulto ng kapital na nasa kamay ng mga uring nagmamay-ari. Ang pinagmulan ng kapitalistang produksyon at ang produksyon ng kapital ay parehong naipaliwanag.

Ang dalawang malaking pagkakatuklas na ito, ang materyalistikong pagtanaw sa kasaysayan at ang pagkakahayag sa sikreto ng kapitalistang produksyon sa pamamagitan ng sobrang halaga, ay utang natin kay Marx. Sa mga pagkakadiskubreng ito, ang sosyalismo ay naging syensya. Ang susunod ay ang pagbaybay sa lahat ng mga detalye nito't mga relasyon.

III

Ang materyalistang pananaw sa kasaysayan ay nagsisimula sa panukalang ang paglikha sa mga pangangailangan ng tao para mabuhay, at kasunod ng produksyon, ang palitan ng mga nalikhang bagay, ay ang batayan ng lahat ng panlipunang istruktura; na sa bawat lipunang sumulpot sa kasaysayan, ang pamamaraan ng pagkakahati ng yaman at kung paano nahahati ang lipunan sa mga uri o ranggo ay nakadepende sa kung ano ang nalilikha, paano ito nililikha, at paano ang palitan ng mga produkto. Mula sa punto-de-bistang ito, ang pinakadahilan ng lahat ng mga panlipunang pagbabago at mga pampulitikang rebolusyon ay matatagpuan hindi sa mga utak ng tao, hindi sa mas mabuting pagkaunawa ng tao sa walang hanggang katotohanan at hustisya, kundi sa mga pagbabago sa mga sistema ng produksyon at palitan. Hindi sa pilosopiya mahahanap ang mga ito, kundi sa ekonomya ng bawat partikular na panahon. Ang lumalawak na pagtinging ang umiiral na mga panlipunang institusyon ay hindi makatwiran at hindi makatarungan, na ang katwiran ay hindi matuwid at ang tama'y tiwali, ay nagpapatunay lamang na sa loob ng mga sistema ng produksyon at palitan ay nagkakaroon ng di-namamalayang mga pagbabagong nagiging dahilan upang ang panlipunang kaayusan, na pinipilit na iangkop sa mga naunang pang-ekonomyang kalagayan, ay hindi na maaaring panatilihin pa. Mula dito, sumusunod din na ang paraan upang pawiin ang mga lumitaw na hindi magkatugma ay dapat ding umiral, na humigit-kumulang ay nasa hinog na kalagayan, sa loob mismo ng nagbagong sistema ng produksyon. Ang mga paraang ito ay hindi iimbentuhin sa pamamagitan ng paghinuha mula sa mga pundamental na prinsipyo, kundi tutuklasin sa mga sala-salabat na kaganapan sa umiiral na sistema ng produksyon.

Ano, kung gayon, ang posisyon ng modernong sosyalismo kaugnay nito?

Ang kasalukuyang istruktura ng lipunan - ito ngayo'y ipinapalagay sa pangkalahatan - ay nilikha ng naghaharing uri sa ngayon, ng burgesya. Ang sistema ng produksyong natatangi sa burgesya, na nakilala, mula sa panahon ni Marx, na kapitalistang sistema ng produksyon, ay hindi tumutugma sa pyudal na sistema, sa mga pribilehiyong ipinagkaloob nito sa mga indibidwal, buu-buong panlipunang ranggo at mga lokal na korporasyon, gayundin sa mga namamanang kadena ng pagpapailalim na siyang balangkas ng panlipunang pagkakaorganisa nito. Ibinagsak ng burgesya ang pyudal na sistema at mula sa mga guho nito'y itinayo ang kapitalistang kaayusan ng lipunan, ang kaharian ng malayang kumpetisyon, ng kalayaang personal, ng pagkakapantay-pantay, sa ilalim ng batas ng lahat ng nagmamay-ari ng kalakal, ng lahat ng iba pang kapitalistang biyaya. Magbuhat noon, ang kapitalistang sistema ng produksyon ay uunlad sa kalayaan. Dahil trinansporma ng singaw, makinarya, at ang pagyari ng makina sa pamamagitan ng makinarya ang lumang manupaktura sa modernong industriya, ang mga produktibong pwersang umusbong sa gabay ng burgesya ay umunlad ng buong bilis sa antas na hindi dating nagaganap. Subalit gaya ng lumang manupaktura, noong panahon nito, at ang pagyayaring-kamay, na paunlad nang paunlad sa ilalim ng kanyang impluwensya, ay bumangga sa mga pyudal na panangga ng mga gremyo (guilds), gayundin ngayon ang modernong industriya, sa mas kumpletong pag-unlad nito, ay bumabangga na sa takdang hangganan ng kapitalistang sistema ng produksyon. Napaglumaan na ng mga bagong produktibong pwersa ang kapitalistang paggamit sa mga ito. At ang banggaang ito sa pagitan ng mga produktibong pwersa at mga sistema ng produksyon ay hindi isang banggaang nabuo sa isipan ng tao, katulad ng unang pagkakasala at hustisya ng langit. Umiiral ito, sa katunayan, nang obhetibo, nang labas sa atin, nang hiwalay sa kagustuhan at pagkilos kahit ng mga taong nagpasimula nito. Ang modernong sosyalismo ay walang iba kundi ang kusang tugon, sa isipan, sa banggaang nagaganap sa katunayan; ang ideyal na repleksyon sa isipan, una, ng uring direktang nagdurusa sa ilalim nito, ang uring manggagawa.

Ngayon, anu-ano ang bumubuo sa banggaang ito?

Bago ang kapitalistang produksyon, i.e., sa Edad Medya (sa mga taon mula 1100-1500), ang sistema ng maliit na industriya ay umiral sa pangkalahatan, batay sa pribadong pag-aari ng mga tagayari sa kanilang kagamitan sa produksyon; sa kanayunan, ang pagsasaka ng maliit na pesante, timawa o alipin; sa mga kabayanan, ang pagyayaring-kamay na organisado sa mga gremyo. Ang mga kagamitan sa paggawa - lupa, kagamitang pansaka, ang talyer, ang kasangkapan - ay ang mga kagamitan sa paggawa ng mga solong indibidwal, akma lamang para gamitin ng isang manggagawa, at, samakatwid, ay kinakailangang maliit, mababa at limitado. Subalit, sa mismong kadahilanang ito, sa kalakaran, ay pag-aari ng mismong tagayari. Ang tipunin ang mga hiwa-hiwalay, limitadong kagamitan sa produksyon na ito, ang palakihin ang mga ito, ang gawin ang mga ito bilang mga makapangyarihang kasangkapan sa produksyon ng kasalukuyang panahon - ito mismo ang istorikong papel ng kapitalistang produksyon at ng tagapagtaguyod nito, ang burgesya. Sa ikaapat na seksyon ng Kapital* ipinaliwanag nang detalye ni Marx kung paano makasaysayang naganap magmula noong ika-15 siglo sa tatlong yugto ang simpleng pagtutulungan, manupaktura at modernong industriya. Ngunit hindi kaya ng burgesya, na ipinakita rin doon, na itransporma ang mga maliliit na kagamitan sa produksyong ito bilang mga makapangyarihang produktibong pwersa nang kasabay nito'y hindi rin binabago ang mga ito mula sa pagiging kagamitan sa produksyon ng indibidwal sa pagiging panlipunang kagamitan sa produksyong maaari lamang gumana sa pamamagitan ng kolektibong paggawa ng mga tao. Ang ruwedang suliran, ang habihang de-mano at ang maso ng panday ay pinalitan ng sulirang de-motor, ng makinang panghabu at de-makinang pamukpok; ang indibidwal na talyer, ng pabrikang nangangailangan ng pagtutulungan ng daan-daan at libu-libong mga manggagawa. Sa gayunding paraan, ang produksyon mismo ay nagbago mula sa magkakasunod na indibidwal sa sunud-sunod na gawang panlipunan, at ang mga produkto, mula indibidwal sa produktong panlipunan. Ang sinulid, ang tela, at ang metal na ngayo'y lumalabas sa pabrika ay mga magkasanib na produkto ng maraming manggagawa, na bago magawa'y kailangang magdaan sa kanilang mga kamay. Walang isa mang makapagsasabi sa mga ito: "Gawa ko 'yan; ito ang aking produkto."

Ngunit saan matatagpuan, sa isang takdang lipunan, ang saligang porma ng produksyon ay ang ispontanyong dibisyon ng paggawa na umuusad nang paunti-unti at hindi ayon sa isang buo nang plano, dito ang mga produkto'y nasa anyo ng kalakal, na ang palitan ng bawat isa, pagbibenta at pamimili, ay nagbibigay sa indibidwal na tagayari ng katugunan sa kanyang mga sari-saring pangangailangan. At ito ang naganap noong Edad Medya. Ang pesante, halimbawa, ay nagbenta sa artisano ng mga produktong mula sa pagsasaka at bumili sa kanya ng mga produktong yaring-kamay. Sa lipunang ito ng mga indibidwal na tagayari, ng mga tagalikha ng kalakal, isinaksak ng bagong sistema ng produksyon ang sarili nito. Sa gitna ng lumang dibisyon ng paggawang ispontanyong umunlad at hindi ayon sa isang depinidong plano, na siyang naghari sa kabuuan ng lipunan, ngayo'y umusbong ang dibisyon ng paggawang ayon sa isang depinidong plano, na organisado sa pabrika; katambal ng indibidwal na produksyon ay lumitaw ang panlipunang produksyon. Ang mga produkto ng dalawa ay sa parehong pamilihan ibinebenta, at, samakatwid, sa presyong humigit-kumulang ay pareho rin. Ngunit ang pagkakaorganisa ayon sa isang depinidong plano ay mas nangingibabaw kaysa sa ispontanyong dibisyon ng paggawa. Ang mga pabrikang tumatakbo sa pamamagitan ng pinagkumbinang panlipunang pwersa ng isang pagsasama-sama ng mga indibidwal ay lumilikha ng mga kalakal nang mas mura kaysa sa mga indibidwal na maliit na tagayari. Nalugmok ang indibidwal na produksyon sa bawat departamento. Nirebolusyonisa ng sosyalisadong produksyon ang lahat ng lumang pamamaraan sa produksyon. Subalit kasabay nito, ang rebolusyonaryong katangian nito'y hindi gaanong napansing, salungat dito, ito'y tinatanaw bilang pamamaraan sa pagpapalaki at pagpapaunlad ng produksyon ng kalakal. Nang umusbong ito, natagpuan nitong yari na, at ginamit nang husto, ang ilang makinarya para sa produksyon at palitan ng kalakal; kapital ng mga komersyante, pagyayaring-kamay, sahurang paggawa. Sa gayon, ipinakikilala ng sosyalisadong produksyon ang sarili bilang isang bagong porma ng produksyon ng kalakal, naaayon lamang na sa ilalim nito, ang mga lumang porma ng pag-angkin ang siya pa ring nasunod, at ipinatupad din sa mga produkto nito.

Sa Edad Medyang yugto ng pag-unlad ng produksyon ng mga kalakal, hindi maaaring sumulpot ang usapin hinggil sa pagmamay-ari sa produkto ng paggawa. Ang indibidwal na tagayari, sa kalakaran, ay lumilikha ng produkto, mula sa hilaw na materyales na kanyang pag-aari at kanya ring nilikha, sa pamamagitan ng kanyang sariling kasangkapan, ng paggawa ng kanyang sariling mga kamay o ng kanyang pamilya. Hindi na niya kailangang angkinin pa ang bagong produkto. Ito'y tanging sa kanya, ayon sa kalakaran. Ang pag-aari niya sa produktong iyon, samakatwid, ay batay sa kanyang sariling paggawa. Kahit kapag ginamitan ng tulong ng iba, sa kalakaran, ito'y hindi gaanong mahalaga at sa pangkalahata'y binabayaran ng ibang bagay kaysa sahod. Mas maikli ang ginugugol sa trabaho ng mga aprentis at manlalakbay sa mga gremyo para sa pagtira at sahod kaysa sa ginugugol para sa pagsasanay, upang sila ri'y maging mga kapatas ng mga tagayaring-kamay.

Pagkatapos ay dumating ang konsentrasyon ng mga kagamitan sa produksyon at mga tagayari sa mga malalaking talyer at pabrika, ang transpormasyon ng mga ito bilang mga aktwal na sosyalisadong kagamitan sa produksyon at sosyalisadong tagalikha. Subalit ang mga sosyalisadong tagalikha at kagamitan sa produksyon at ang kanilang mga produkto ay itinuturing pa rin, pagkatapos ng mga pagbabagong ito, na tulad ng dati, i.e., bilang mga kagamitan sa produksyon at mga produkto ng indibidwal. Hanggang ngayon, ang nagmamay-ari ng mga kasangkapan ng paggawa ang siyang umaangkin sa produkto, dahil, sa kalarakaran, ito'y sarili niyang produkto at ang pagtulong ng iba ay hindi karaniwan. Ngayon, ang nagmamay-ari ng mga kasangkapan ng paggawa ang siyang laging umaangkin sa produkto, kahit na ito'y hindi na kanyang produkto kundi tanging produkto ng paggawa ng iba. Kaya ang mga produkto na ngayo'y likhang-sosyal ay hindi inaangkin ng mga taong siyang aktwal na nagpaandar sa mga kagamitan sa produksyon at aktwal na lumikha sa mga kalakal, kundi ng mga kapitalista. Ang mga kagamitan sa produksyon at ang mismong produksyon, sa esensya, ay naging sosyalisado. Subalit ang mga ito'y ipinaiilalim sa porma ng pag-angkin na nagpapalagay sa pag-iral ng pribadong produksyon ng mga indibidwal, kung saan ang bawat tao'y nagmamay-ari sa kanyang produkto at kanyang dinadala sa pamilihan. Ang sistema ng produksyon ay ipinaiilalim sa ganitong porma ng pag-angkin, gayong pinapawi nito ang mga kondisyong iniiralan ng huli.*

Ang kontradiksyong ito, na nagbibigay sa bagong sistema ng produksyon ng kapitalistang katangian nito, ay naglalaman ng mga binhi ng kabuuan ng mga antagonismong panlipunan ng kasalukuyang panahon. Habang mas lumalawak ang saklaw ng bagong sistema ng produksyon sa lahat ng mga importanteng larangan ng produksyon at sa lahat ng mga bansang nagmamanupaktura, lalo nitong pinaliliit ang indibidwal na produksyon sa di-mapansing alikabok, lalong lumilinaw ang paglitaw ng di-kaangkupan ng sosyalisadong produksyong may kapitalistang paraan ng pag-angkin.

Natagpuan ng mga unang kapitalista, gaya ng sinabi na natin, katambal ng iba pang porma ng paggawa, ang sahurang-paggawang handa na sa kanila sa pamilihan. Ngunit ito'y di karaniwan, pampuno, pantulong, pansamantalang sahurang-paggawa. Ang manggagawang bukid, gayong nagpapaupa ng kanyang paggawa sa araw, ay may sariling ilang pitak ng lupaing maaari niyang pagkunan ng kahit isang kurot na ikinabubuhay sa anumang pagkakataon. Ang mga gremyo'y napakaorganisado na ang mga manlalakbay ngayon ang naging kapatas kinabukasan. Ngunit nagbago ang lahat ng ito, magmula nang maging sosyalisado ang mga kagamitan sa produksyon at nakonsentra sa kamay ng mga kapitalista. Ang mga kagamitan sa produksyon, gayundin ang produkto, ng indibidwal na tagalikha ay lalong mawawalan ng kabuluhan; wala nang natira sa kanya kundi ang maging sahurang-manggagawa sa ilalim ng kapitalista. Ang sahurang paggawang hindi karaniwan at pantulong lamang noong una ay siya ngayong kalakaran at batayan ng lahat ng produksyon; pampuno lamang noong una, ngayo'y siyang tanging natirang papel ng manggagawa. Ang pansamantalang sahurang-manggagawa ay naging sahurang-manggagawang panghabambuhay. Ang bilang ng mga permanenteng sahurang-manggagawa ay lalo pang lumobo sa pagkadurog ng pyudal na sistema na naganap nang sabay sa pagkalansag ng mga tagapagtaguyod ng panginoong pyudal, ang paghugot sa mga pesante mula sa mga sakahan, at iba pa. Nalubos ang paghihiwalay ng kagamitan sa produksyong konsentrado sa kamay ng mga kapitalista, sa isang banda, at ang mga tagalikhang walang pag-aari maliban sa kanilang lakas-paggawa, sa kabila. Ang kontradiksyon sa pagitan ng sosyalisadong produksyon at kapitalistang pag-angkin ay nagkaanyo sa antagonismo ng manggagawa at burgesya.

Nasaksihan natin ang sapilitang pagpasok ng kapitalistang sistema ng produksyon sa lipunan ng mga tagalikha ng kalakal, ng mga indibidwal na tagalikhang ang kapalit ng kanilang produkto ay ang kanilang panlipunang pagsasama-sama. Ngunit ang bawat lipunang nakabatay sa produksyon ng kalakal ay may ganitong pekulyaridad: na napawi sa mga tagalikha ang kontrol sa kanilang sariling mga panlipunang pag-uugnayan. Bawat tao'y lumilikha para sa kanyang sarili sa pamamagitan ng anumang kagamitan sa produksyong nagkataong mayroon siya, at para sa palitang kanyang itatakda para sa katugunan ng kanyang mga pangangailangan. Walang nakakaalam kung anong bahagi ng partikular na bagay na ito ay maaaring ibenta sa pamilihan, o kung anong bahagi nito ang maaaring bilhin. Walang nakakaalam kung ang kanyang indibidwal na produkto ay makatutugon sa aktwal na pangangailangan, kung masusulit niya ang kanyang gastos sa produksyon o maibenta man lang ang kanyang kalakal. Anarkiya ang naghahari sa sosyalisadong produksyon.

Subalit ang produksyon ng kalakal, gaya ng lahat ng iba pang porma ng produksyon, ay mayroong natatangi, likas na mga batas na di-maihihiwalay dito; at ang mga batas na ito ay gumagana, sa kabila ng anarkiya, sa pamamagitan ng, at sa mismong anarkiya. Lumilitaw ang mga ito sa tanging paulit-ulit na porma ng panlipunang pag-uugnayan, i.e., sa palitan, at dito'y umaapekto sa mga indibidwal na tagalikha bilang obligadong batas ng kumpetisyon. Sa una'y hindi ito nalalaman ng mismong mga tagalikha at matutuklasan lamang nila nang dahan-dahan at bilang resulta ng karanasan. Ang mga batas na ito'y gumagana nang hiwalay sa mga tagalikha, at laban sa kanila, bilang di-matitinag na mga likas na batas ng kanilang partikular na porma ng produksyon. Ang produkto ang naghahari sa mga tagalikha.

Sa Edad Medyang lipunan, laluna sa mga mas maagang siglo, ang produksyon ay pangunahing nakatuon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng indibidwal. Tinutugunan nito, pangunahin, yaon lamang mga pangangailangan ng tagalikha at ng kanyang pamilya. Kung saan umiiral ang relasyon ng personal na pagkakatali, tulad sa kanayunan, tumutugon din ito sa mga pangangailangan ng panginoong pyudal. Sa lahat ng ito'y hindi umiiral ang palitan; dahil dito, ang mga produkto'y walang katangiang kalakal. Nililikha ng pamilya ng pesante halos lahat ng kanilang kailangan; damit at mwebles, gayundin ang ikabubuhay. Noon lamang magsimulang lumikha ito ng labis sa kanyang sariling pangangailangan at sa mga produktong pambayad niyang sa panginoong pyudal, saka lamang ito lumikha ng mga kalakal. Ang mga labis na produktong ito, na ipinaloob sa sosyalisadong palitan at inilaan para ibenta, ang naging kalakal.

Totoong ang mga artisano ng kabayanan ang kaunahang lumikha para sa palitan. Ngunit tinutugunan din nila ang kalakhan ng kanilang sariling mga pangangailangan. Mayroon silang mga taniman at mga pinitak. Pinapastol ang kanilang mga baka sa mga kagubatang nagbibigay din ng tabla't panggatong. Ang mga kababaiha'y nagsusulid ng lino, lana, at iba pa. Ang produksyong ang layunin ay para sa palitan, ang produksyonb ng mga kalakal, ay nasa kasibulan pa lamang. samakatwid, limitado ang palitan, maliit ang pamilihan, istableng mga pamamaraan sa produksyon; may lokal na pagkaeksklusibo sa labas, may lokal na pagkakaisa sa loob; ang Marka* sa kanayunan, ang gremyo sa kabayanan.

Subalit sa paglawak ng produksyon ng mga kalakal, at laluna sa pagpasok ng kapitalistang sistema ng produksyon, ang mga batas ng produksyong pangkalakal, na hanggang ngayo'y nakakubli, ay palantad ng palantad ang paggalaw at papalakas nang papalakas ang pwersa. Ang mga dating pagkakabuklod ay lumuwag, ang mga dating eksklusibong hangganan ay nabasag, ang mga tagalikha lalong nagiging makasarili, nakahiwalay na tagalikha ng mga kalakal. Lumilitaw na naghahari ang kawalan ng plano sa produksyon ng lipunan sa pangkalahatan, nang aksidente, na may anarkiya; at ang anarkiyang ito ay tumindi ng tumindi. Subalit ang pangunahing paraan ng kapitalistang sistema ng produksyon ay papatindi ng husto sa anarkiyang ito na eksaktong kabaligtaran ng anarkiya. Ito ang papasinsing pagkakaorganisa ng produksyon, ayon sa batayang sosyal, sa bawat indibidwal na produktibong istablisimento. Sa pamamagitan nito, nawakasan ang luma, payapa, istableng kalagayan ng mga bagay-bagay. Saanmang sangay ng industriya pumasok ang pagkakaorganisang ito ng produksyon, pinapawi nito ang iba pang mga pamamaraan ng produksyon. Ang paggawa ang naging larangan ng labanan. Ang mga dakilang pagkakatuklas ng mga lupain sa ibayong dagat, at ang sumunod na pagsakop sa mga ito, ay nagpalawak nang ilang ulit sa mga pamilihan at nagpabilis sa transpormasyon ng pagyayaring-kamay sa manupaktura. Ang labanan ay hindi simpleng sumiklab sa pagitan ng mga indibidwal na tagalikha ng mga partikular na lokalidad. Ang mga lokal na tunggalian ay tumungo sa mga pambansang digmaan, ang mga digmaang komersyo ng ika-17 at ika-18 siglo.

Panghuli, ginawang unibersal ng modernong industriya at ang pagbubukas ng pandaigdigang pamilihan ang tunggalian, at kasabay nito'y binigyan ng nakakahawang kamandag na hindi dating napapakinggan. Ang bentahe sa likas o artipisyal na kondisyon ng produksyon ang mapagpasya sa pag-iral o di-pag-iral ng mga indibidwal na kapitalista, gayundin sa mga buu-buong mga industriya at mga bansa. Siyang nalugmok ay walang pagsisising isinasaisantabi. Ito ang maka-Darwin na pakikibaka ng indibidwal para mapanatili ang sarili na naisalin mula sa Kalikasan tungo sa lipunan nang may matinding karahasan. Ang mga kondisyon sa pag-iral na likas sa hayop ay lumitaw na siyang huling kondisyon ng pag-unlad ng tao. Ang kontradiksyon sa pagitan ng sosyalisadong produksyon at kapitalistang pag-angkin ay lumalabas ngayon bilang antagonismo sa pagitan ng pagkakaorganisa ng produksyon sa indibidwal na pagawaan at ng anarkiya sa produksyon sa lipunan sa pangkalahatan.

Ang kapitalistang sistema ng produksyon ay gumagalaw sa dalawang pormang ito ng antagonismong kakambal nito sa simula't simula. Hindi ito kailanman makakaalpas sa "vicious circle" (isang problemadong kalagayang paulit-ulit) na natuklasan na ni Fourier. Ang hindi makita ni Fourier noong kanyang panahon ay ang unti-unting pagsikip ng bilog; na ang paggalaw nito ay unti-unting nagiging paikid, at kailangang magwakas, katulad ng paggalaw ng mga planeta, sa pamamagitan ng pagbangga sa sentro. Ang mapang-obligang pwersa ng anarkiya sa produksyon ng lipunan sa pangkalahatan ang siyang lubusang nagtutulak sa napakalaking kalakhan ng tao upang maging mga proletaryo; at ang masa ng proletaryado ang sa huli'y siya muling magbibigay ng wakas sa anarkiya sa produksyon. Ang mapang-obligang pwersa ng anarkiya sa panlipunang produksyon ang nagtutulak sa walang-hangganang pagperpekto sa makinarya sa ilalim ng modernong industriya sa isang obligadong batas na kung saan ay kinakailangang patuloy na perpektuhin ng bawat indibidwal na kapitalistang industriyal ang kanyang makinarya na kung hindi ay kanyang ikapapariwara.

Subalit ginawang sobra-sobra ng pagpiperpekto sa makinarya ang paggawa ng tao. Kung ang pagpasok at pagpapaunlad ng makinarya ay nangangahulugan ng pagpapalit sa milyun-milyong manwal na manggagawa ng iilang tagapagpatakbo ng makina, ang pagpapaunlad ng makinarya ay nangangahulugan ng dislokasyon ng parami nang paparaming manggagawang pangmakina. Sa huling pagsusuri, nangangahulugan ito ng produksyon ng malaking bilang ng mga libre-sa-panahong manggagawang sobra-sobra sa karaniwang pangangailangan ng kapital, ang pormasyon ng isang ganap na reserbang hukbong industriyal, na siya kong itinawag dito noong 1845, maaaring gumawa sa panahong ang industriya ay umaandar nang todo, at itinatapon sa kalsada kapag dumarating ang di-maiiwasang pagbagsak, isang palagiang pabigat sa binti ng uring manggagawa sa pakikibaka nito sa kapital para sa patuloy na pag-iral, ang tagapagpanatili ng mababang antas ng sahod na naaayon sa interes ng kapital. Kaya't nagkatotoo, kung sisipiin si Marx, na ang makinarya ang naging pinakamakapangyarihang sandata ng kapital sa pakikidigma sa uring manggagawa; na ang mga kasangkapan ng paggawa ang palagiang nag-aalis sa mga kamay ng manggagawa ng kanyang ikabubuhay; na ang mismong produkto ng manggagawa ay ginawang instrumento para sa kanyang pagkaalipin. Kaya't nagkatotoo na ang pagtitipid sa mga kasangkapan ng paggawa ay siya ring sa simula't simula'y naging pinakawalang-ingat na pag-aaksaya ng lakas-paggawa, at pagnanakaw batay sa normal na kalagayan ng paggana ng paggawa; na ang makinarya "ang pinakamakapangyarihang instrumento sa pagpapaigsi ng oras ng paggawa, ang naging pinaka-walang-sablay na paraan ng pagpapailalim sa bawat sandali ng oras ng manggagawa at ng kanyang pamilya sa kagustuhan ng kapitalista para sa layuning palakihin ang halaga ng kanyang kapital." (Capital, English edition, p. 406.) Kaya't nagkatotoong ang labis na pagtatrabaho ng ilan ay naging paunang kondisyon sa kawalan ng trabaho ng iba, na ang modernong industriya, na naghahanap ng mga bagong mamimili sa iba't ibang bahagi ng buong mundo, ay sapilitang naglalagay sa pagkonsumo ng masa sa sariling bayan sa antas ng kagutuman, at sa gayo'y sinisira ang kanyang sariling pamilihan. "Ang batas na laging naglalagay sa relatibong sobrang populasyon, o reserbang hukbong industriyal, sa parehong antas ng tindi at lakas ng akumulasyon, nirematse ng batas na ito ang manggagawa sa kapital nang mas mahigpit kaysa sa mga sinsil ni Vulcan na nagpako kay Prometheus sa bato. Nagtatatag ito ng akumulasyon ng karukhaan, sa katumbas na antas ng akumulasyon ng kapital. Ang akumulasyon ng yaman sa isang dulo, samakatwid, ay akumulasyon din ng karukhaan, pagdurusa, pagkaalipin, kamangmangan, kalupitan, kababaang-isip sa kabilang dulo, i.e. sa panig ng uring lumilikha ng sarili nitong produkto sa anyo ng kapital." (Capital, p. 661.) At ang umasa ng iba pang hatian ng produkto sa kapitalistang sistema ng produksyon kapareho ng pag-asa sa elektrodo (metal na dinadaluyan ng kuryente) ng baterya ay hindi magiging dahilan ng pagkadurog ng may asidong-tubig, hindi magpapalaya ng oksiheno sa positibong dulo at hidroheno sa negatibong dulo, hangga't sila't konektado sa baterya.

Nasaksihan nating ang walang-tigil na pagtaan ng pagkaperpekto ng modernong makinarya ay, dahil sa anarkiya sa produksyon, nagiging isang obligadong batas na pumupwersa sa indibidwal na kapitalistang industriyal upang laging paunlarin ang kanyang makinarya, laging palakasin ang kanyang produktibong pwersa. Ang simpleng posibilidad ng pagpapalawak sa saklaw ng produksyon ay nauwi bilang obligado ring batas para sa kanya. Ang makapangyarihang mapangsaklaw na pwersa ng modernong industriya, na kung ikukumpara dito ang pagbuga ng hangin sa lobo ng simpleng laro ng bata, ay lumalabas ngayon bilang isang pangangailangan para sa pagpapalawak, kapwa kantitatibo at kalitatibo, na nang-uuyam sa lahat ng balakid. Ang gayong balakid ay gawa ng pagkonsumo, ng bentahan, ng pamilihan ng mga produkto ng modernong industriya. Ngunit ang kapasidad para sa pagpapalawak, masaklaw at matindi, ng pamilihan ay pangunahing itinatakda ng ibang batas na hindi gaanong masigla kung gumana. Ang paglawak ng pamilihan ay hindi makahabol sa paglawak ng produksyon. Hindi mapigilan ang banggaan, at dahil hindi ito makagagawa ng anumang tunay na solusyon nang hindi dinudurog ang kapitalistang sistema ng produksyon, ang mga banggaan ay bumabalik sa pana-panahon. Nagluwal ang kapitalistang produksyon ng isa pang "vicious cycle".

Sa katunayan, mula 1825, nang ang unang pangkalahatang krisis ay sumabog, ang buong mundo ng industriya at komersyo, ang produksyon at palitan sa lahat ng sibilisadong bayan at ang kanilang himigit-kumulang na barbarong alipures, ay nalalansag nang minsan sa bawat sampung taon. Tigil ang komersyo, apaw ang pamilihan, gabundok ang mga produkto, nagtambakan dahil hindi mabenta, nangaglaho ang mga perang pambili, nangawala ang pautang, nangagsarahan ang mga pabrika, ang masa ng mga manggagawa ay walang ikabubuhay; sunud-sunod ang pagkalugi, sunud-sunod ang pagkamatay. Ang kawalang-pag-unlad ay tumatagal ng ilang taon; ang mga produktibong pwersa at mga produkto ay itinatapon at sinisira nang pakyawan, hanggang sa ang nagtambakang mga kalakal ay unti-unting maubos, bumagsak ang halaga, hanggang sa dahan-dahan uling gumalaw ang produksyon at palitan. Paunti-unti ay bumilis ang hakbang. Naging takbong marahan. Ang marahang takbo ng industriya ay yumagyag, ang yagyag ay bumilis at naging pakaskas sa isang karera ng industriya, utang komersyal, at ispekulasyon hanggang sa, pagkatapos ng ilang ubos-lakas na pag-igpaw, ay muling mauuwi kung saan ito nagsimula - sa pagkalugmok sa krisis. At muling mauulit ito nang mauulit. Dumaan na tayo dito, mula noong 1825, nang limang beses, at sa kasalukuyan (1877) papasukin na naman natin ito sa ikaanim na pagkakataon. Ang kalikasan ng mga krisis na ito ay malinaw ang pagkakalarawan na natumbok ni Fourier ang mga ito nang ilarawan niya ang una bilang "crise pletorique", isang krisis mula sa labis na pagkapuno (plethora).

Sa mga krisis na ito, ang kontradiksyon sa pagitan ng sosyalisadong produksyon at kapitalistang pag-angkin ay nauuwi sa isang marahas na pagsambulat. Ang sirkulasyon ng mga kalakal ay pansamantalang nakatigil. Ang salapi, na kasangkapan sa sirkulasyon, ay naging balakid sa sirkulasyon. Ang lahat ng mga batas ng produksyon at sirkulasyon ng kalakal ay tumiwarik. Narating ng pang-ekonomyang banggaan ang kanyang kasukdulan. Ang sistema ng produksyon ay nag-aaklas laban sa sistema ng palitan.

Ang katotohanang ang sosyalisadong pagkakaorganisa ng produksyon sa loob ng pabrika umunlad ng husto na hindi na ito umaangkop sa anarkiya sa produksyon sa lipunan, na kasabay nitong umiiral at nangingibabaw sa kanya, ay iniuwi muli sa mga kapitalista ng marahas na konsentrasyon ng kapital na nagaganap sa panahon ng mga krisis, sa pamamagitan ng pagkawasak ng maraming malalaki at higit na mas maraming maliliit na kapitalista. Ang buong mekanismo ng kapitalistang sistema ng produksyon ay bumagsak sa pagkakadagan ng mga produktibong pwersa, ang sarili nitong mga nilalang. Hindi na nito kayang itransporma ang lahat ng mga kagamitang ito sa produksyon para maging kapital. Nakatiwangwang lamang ang mga ito, at sa ganitong dahilan, ang reserbang hukbong industriyal ay obligado ring nakatiwangwang. Ang mga kagamitan sa produksyon, kabuhayan, mga libre-sa-trabahong manggagawa, lahat ng mga elemento ng produksyon at ng pangkalahatang yaman, ay naririyang sagana sa bilang. Ngunit "ang kasaganaan ay nagiging dahilan ng pagdurusa at kawalan" (Fourier), sapagkat ang bagay na ito mismo ang pumipigil sa transpormasyon ng kagamitan sa produksyon at ikabubuhay bilang kapital. Dahil sa kapitalistang lipunan ang mga kagamitan sa produksyon ay maaari lamang gumana kapag sumasailalim ang mga ito sa panimulang transpormasyon bilang kapital, bilang instrumento ng pagsasamantala sa lakas-paggawa ng tao. Ang pangangailangan sa transpormasyong ito sa kapital ng mga kagamitan sa produksyon at ikabubuhay ay tumatayong parang multo sa pagitan ng mga ito at ng mga manggagawa. Tanging ito ang pumipigil sa pagsasama ng materyal at personal na gamit sa produksyon; tanging ito ang sumasagka sa mga kagamitan sa produksyon para gumana, sa mga manggagawa para magtrabaho at mabuhay. Sa isang banda, ang kapitalistang sistema ng produksyon samakatwid ay nagkasala sa sarili nitong kawalang-kakayahang paandarin pasulong ang mga produktibong pwersa. Sa kabilang banda, ang mga produktibong pwersang ito mismo, na lalong lumalakas, ay gumigiit pasulong sa pagpalis sa mga umiiral na kontradiksyon sa pagpawi sa kanilang kalidad bilang kapital, sa praktikal na pagkilala sa kanilang katangian bilang mga panlipunang produktibong pwersa.

Ang rebelyong ito ng mga reproduktibong pwersa, habang higit na lumalakas ang kanilang kapangyarihan, laban sa kanilang kalidad bilang kapital, ang palakas nang palakas na paggigiit na kailangang kilalanin ang kanilang katangiang panlipunan, ay pumupwersa sa uring kapitalista upang higit na tratuhin ang mga ito bilang mga produktibong pwersang panlipunan, hangga't ito'y posible sa ilalim ng mga kondisyong kapitalista. Ang panahon ng industriyal na katindihan, sa walang-hangganang paglaki ng pautang, katulad ng krisis mismo, ng pagbagsak ng malalaking istablisimentong kapitalista, ay may tunguhing magdala ng porma ng sosyalisasyon ng malaking masa ng mga kagamitan sa produksyon na nakakasalamuha natin sa loob ng iba't ibang klase ng mga joint-stock companies. Marami sa mga kagamitang ito sa produksyon at distribusyon ay, sa simula't simula, lubhang napakalaki na, gaya ng daang-bakal, inaalis dito ang lahat ng iba pang porma ng kapitalistang pagsasamantala. Sa mas malayo pang yugto ng pag-unlad ang pormang ito ay magiging di-sapat. Ang mga tagalikha ng malakihang saklaw sa isang partikular na sangay ng industriya sa isang partikular na bayan ay nagsasama-sama sa isang tiwalaan (trust), isang pagbubuklod para sa layuning rendahan ang produksyon. Itinatakda nila ang kabuuang bilang na lilikhain, kanilang paparte-partehin ang mga ito, at ipatutupad ang presyong bago pa ma'y naitakda na. Ngunit ang ganitong uri ng tiwalaan, kapag sumama ang negosyo, ay karaniwang nauuwi sa pagsabog, at sa batayang ito'y maoobligang magkaroon ng mas malaking konsentrasyon ng pagsasamahan. Ang kabuuan niyaong partikular na industriya ay ginawang isang dambuhalang joint-stock company; ang panloob na kompetisyon ay nagbigay-daan para sa panloob na monopolyo ng kompanyang ito. Ito ang naganap noong 1890 sa Inglatera sa produksyon ng alkalino, na pagkatapos ng pagsasanib ng 48 na malalaking pagawaan sa kamay ng iisang kompanya, na ngayo'y isinasagawa ayon sa isang plano, at may kapital na £600,000.

Sa mga trust, ang malayang kompetisyon ay nabaligtad - naging monopolyo; at ang walang depinidong planong produksyon ng kapitalistang lipunan ay nasasapawan ng produksyong ayon sa depinidong plano ng nanghihimasok na sosyalistikong lipunan. Tiyak na ito'y sa kapakinabangan at bentahe pa rin ng mga kapitalista. Ngunit dito ang pagsasamantala ay napakakongkreto na dapat na itong malansag. Walang bansang magtatayo sa produksyong ipinatutupad ng mga trust, sa kapal-mukhang pagsasamantala sa pamayanan ng maliit na pangkat ng mga nangangalakal ng dibidendo.

Anu't anuman, may trust o wala, ang opisyal na kinatawan ng kapitalistang lipunan - ang estado - ay kinakailangang siyang umako sa pagdidirihe ng produksyon.* Ang pangangailangang ito para maging pag-aaring estado ay unang naramdaman sa malalaking institusyon para sa pag-uugnayan at komunikasyon - ang koreyo, ang mga telegrapo, ang mga daang-bakal.

Kung ipinapakita ng mga krisis ang kawalang-kakayahan ng burgesya na pamahalaan pa ang mga modernong produktibong pwersa, ang transpormasyon ng mga higanteng istablisimento sa produksyon at distribusyon bilang mga joint-stock companies, trust at pag-aaring estado ay nagpapatunay sa kawalang-silbi ng burgesya sa gayong layunin. Ang lahat ng panlipunang tungkulin ng kapitalista ay ginagampanan ngayon ng mga sahurang empleyado. Wala nang ibang silbi pa ang kapitalista kundi ang magbulsa ng dibidendo, magpunit ng mga kupon, at magsugal sa Stock Exchange, kung saan inaagawan ng mga kapitalista ang bawat isa sa kanila ng kanilang kapital. Itinutulak nito ngayon ang mga kapitalista, at ibinababa ang antas nila, katulad ng pagsipa sa mga manggagawa, sa hanay ng sobrang populasyon, gayunma'y hindi kagyat na sa hanay ng reserbang hukbo ng industriya.

Subalit ang transpormasyon, sa joint-stock companies at trust man o bilang pag-aaring estado, ay hindi pumapawi sa kapitalistang kalikasan ng mga produktibong pwersa. Kitang-kita ito sa mga joint-stock companies at mga trust. At muli, ang modernong estado ay ang organisasyong ginagamit lamang ng burgesya upang suportahan ang mga panlabas na kondisyon ng kapitalistang sistema ng produksyon laban sa mga panghihimasok ng mga manggagawa gayundin ng mga indibidwal na kapitalista. Ang modernong estado, anuman ang porma nito, sa esensya ay isang kapitalistang makina, ang estado ng mga kapitalista, ang ideyal na larawan ng kabuuang pambansang kapital. Habang higit nitong ipinatutupad ang pag-aari sa mga produktibong pwersa, higit naman itong nagiging pambansang kapitalista, mas maraming mamamayan itong pinagsasamantalahan. Ang mga manggagawa'y nananatiling mga sahurang-manggagawa - mga proletaryo. Ang kapitalistang relasyon ay hindi napawi. Bagkus ay inabot nito ang kanyang rurok. Ngunit pagdating sa rurok, ito'y bumagsak. Ang estadong pag-aari sa mga produktibong pwersa ay hindi ang solusyon sa tunggalian, ngunit nakatago dito ang mga teknikal na kondisyong bumubuo sa mga sangkap ng solusyong iyon.

Ang tanging bumubuo sa solusyong ito ay ang praktikal na pagkilala sa panlipunang kalikasan ng mga modernong pwersa ng produksyon, at samakatwid sa pagkakasundo ng mga sistema ng produksyon, pag-angkin, at palitan sa sosyalisadong katangian ng mga kagamitan sa produksyon. At ito'y maaari lamang mangyari sa pamamagitan ng hayagan at direktang pag-ari ng lipunan sa mga produktibong pwersa na napaglakihan na ang lahat ng kontrol maliban sa kontrol ng lipunan sa kabuuan. Ang panlipunang katangian ng mga kagamitan sa produksyon at ng mga produkto ngayon ay umaalma na laban sa mga tagalikha; pana-panahong pinuputol ang lahat ng produksyon at palitan, umaaktong katulad lamang ng batas ng kalikasan na gumagana ng walang katiyakan, ng sapilitang nakakapanalanta. Subalit sa pag-ari ng lipunan sa mga produktibong pwersa, ang panlipunang katangian ng mga kagamitan sa produksyon at ng mga produkto ay gagamitin ng mga tagalikha nang may ganap na pagkaunawa sa kalikasan nito, at sa halip na pagmumulan ng paghinto at pana-panahong pagbagsak, ay magiging siyang pinakamakapangyarihang instrumento ng produksyon mismo.

Ang mga aktibong pwersang panlipunan ay umaakto ng eksaktong katulad ng mga pwersang pangkalikasan: walang katiyakan, namimilit, mapangwasak, hangga't hindi natin nauunawaan, at isinasaalang-alang ang mga ito. Ngunit kapag naunawaan natin ang mga ito, kapag nakabisado natin ang kanilang paggalaw, ang kanilang direksyon, ang kanilang epekto, nasasa atin na kung pasusunurin natin ang mga ito sa ating kagustuhan, at sa pamamagitan ng mga ito'y maabot natin ang ating mga mithiin. At higit na totoo ito sa mga dambuhalang produktibong pwersa sa ngayon. Hangga't matigas ang ulo natin sa pagtangging unawain ang kalikasan at katangian ng mga panlipunang pamamaraan ng pagkilos - at ang pag-unawang ito'y salungat sa kapitalistang sistema ng produksyon at sa mga tagapagtanggol nito - hangga't ang mga pwersang ito ay kumikilos nang walang konsiderasyon sa atin, nang salungat sa atin, kayang-kaya nila tayong pangibabawan, gaya nang ipinakita natin ng detalye sa itaas.

Subalit sa sandaling maunawaan ang kalikasan ng mga ito, magagawang itransporma ang mga ito, sa kamay ng mga tagalikhang magkakasama sa paggawa, mula sa pagiging mga demonyong amo sa pagiging mga masunuring alila. Ang kaibhan ay gaya ng sa pagitan ng mapanalantang pwersa ng elektrisidad ng kidlat sa isang unos, at ng elektrisidad na kontrolado sa telegrapo at sa volatic arc; ang pagkakaiba sa pagitan ng sunog, at ng apoy na nagsisilbi sa tao. Sa pagkilalang ito, sa wakas, sa tunay na kalikasan ng kasalukuyang mga produktibong pwersa, ang panlipunang anarkiya sa produksyon ay hinahalinhan ng panlipunang kontrol sa produksyon alinsunod sa isang depinidong plano, ayon sa mga pangangailangan ng pamayanan at ng bawat indibidwal. Matapos nito, ang kapitalistang sistema ng pag-angkin, kung saan ang produkto ang umaalipin una sa tagalikha at pagkatapos sa umaangkin, ay pinapalitan ng sistema ng pag-angkin sa mga produkto na nakabatay sa kalikasan ng modernong mga kagamitan sa produksyon; sa isang banda, ang direktang panlipunang pag-angkin, bilang pamamaraan ng pagpapanatili, at bilang pamamaraan ng pananatili at ekstensyon ng produksyon - sa kabilang banda, ang direktang indibidwal na pag-angkin, bilang paraan ng kabuhayan at kasiyahan.

Habang higit na nilulubos ng kapitalistang sistema ng produksyon ang transpormasyon ng malaking mayorya ng populasyon bilang mga proletaryo, nililikha rin nito ang pwersang magiging dahilan ng sarili nitong pagkadurog, pwersadong tuparin ang rebolusyong ito. Habang higit nitong itinutulak ang transpormasyon ng napakalaking mga kagamitan sa produksyon, na sosyalisado na, bilang pag-aaring estado, ipinakikita nito ang daan sa katuparan ng rebolusyong ito. Inaagaw ng proletaryado ang pampulitikang kapangyarihan at tinatransporma ang mga kagamitan sa produksyon bilang pag-aari ng estado.

Subalit sa pagpapatupad nito, pinapawi nito ang sarili bilang proletaryado, winawakasan din nito ang estado bilang estado. Sa pinakamalayong narating nito, kinailangan ng lipunang nakabatay sa tunggalian ang estado. Ito'y ang organisasyon ng partikular na uring siyang pro tempore (pangkasalukuyan) na nagsasamantalang uri, isang organisasyon para sa layuning pigilan ang anumang panghihimasok sa mga umiiral na kondisyon ng produksyon mula sa labas, at samakatwid, higit sa lahat, para sa layuning sapilitang panatilihin ang mga pinagsasamantalahang uri sa kondisyon ng pagsasamantalang umaangkop sa sistema ng produksyon (alipin, pyudal, sahurang-paggawa). Ang estado ang opisyal na kinatawan ng lipunan sa kabuuan; ang pagkakatipon nito sa isang kongkretong katipunan. Ngunit ito'y totoo lamang hangga't ito ang estado ng uring siyang kumakatawan sa buong lipunan sa mga panahong iyon: sa mga sinaunang panahon, ang estado ng mga panginoong may-alipin; sa Edad Medya, ng mga panginoong pyudal; sa panahon natin ngayon, ng burgesya. Nang sa wakas ito'y naging tunay na kinatawan ng lipunan sa kabuuan, winakasan nito ang pangangailangan para sa estado. Kapag wala nang uring pangingibabawan; kapag ang makauring paghahari at indibidwal na pakikibaka para mabuhay batay sa kasalukuyang anarkiya sa produksyon, kasama ng mga banggaan at mga kalabisang nagmumula sa mga ito, ay napawi na, wala nang matitira pa para supilin, ang isang natatanging pwersa, ang estado, ay hindi na kinakailangan pa. Ang unang hakbangin ng estado kung saan sa pamamagitan nito'y itinatatag nito ang sarili bilang tunay na kinatawan ng kabuuan ng lipunan - ito ang siya ring pinakahuling independyenteng hakbangin ng estado. Ang panghihimasok ng estado sa mga ugnayang panlipunan ay isa-isang nawawalan ng saysay, at pagkatapos ay kusang mamamatay sa sarili nito; ang pamamahala sa mga tao ay napalitan ng pangangasiwa sa mga bagay, at ng pagsasakatuparan ng mga proseso ng produksyon. Ang estado ay hindi "pinapawi". Ito ay kusang namamatay. Sa ganito lang magkakaroon ng kabuluhan ang pariralang "isang malayang estado", kapwa sa makatwirang paggamit kung minsan ng mga ahitador, at sa ultimong syentipikong limitasyon nito; at gayundin ang mga kahilingan ng mga tinatawag na anarkista sa pagpawi sa kasalukuyang estado.

Magmula nang istorikong sumulpot ang kapitalistang sistema ng produksyon, ang pag-angkin ng lipunan sa lahat ng mga kagamitan sa produksyon ay malimit pangarapin... ng mga indibidwal, gayundin ng mga sekta bilang ideyal para sa hinaharap. Subalit magiging posible lamang ito, magiging isang istorikong pangangailangan lamang, tanging kapag ang aktwal na mga kondisyon sa kaganapan nito ay umiiral. Gaya ng bawat panlipunang pagsulong, ito'y maisasakatuparan hindi sa pagkaunawa ng tao na ang pag-iral ng mga uri ay salungat sa katarungan, pagkapantay-pantay, atbp., hindi sa simpleng kagustuhang pawiin ang mga uring ito, kundi sa pamamagitan ng mga kalagayang pang-ekonomya. Ang pagkakahati ng lipunan sa nagsasamantala at pinagsasamantalahang uri, ay natural lamang na resulta ng di-sapat at limitadong pag-unlad ng produksyon ng mga unang panahon. Hangga't ang kabuuang paggawang panlipunan ay lumilikha lamang ng produktong labis lamang ng bahagya sa mga pinakabatayang pangangailangan para mabuhay ang lahat; hangga't ang paggawa'y nangangailangan ng paglahok ng lahat o sa halos lahat ng pagkakataon ay ng napakalaking mayorya ng myembro ng lipunan, ang lipunang ito, kung gayon, dahil sa kahingian ng kalagayan, ay nahahati sa mga uri. Kasabay ng malaking mayoryang ito na ekslusibong nakataling alipin sa paggawa, ay ang pagsulpot ng isang uring malaya sa direktang produktibong paggawa, na siyang nangangasiwa sa mga pangkalahatang aktibidad ng lipunan: ang pagdidirihe sa paggawa, pang-estadong asikasuhin, batas, agham, sining, atbp. Ang batas ng dibisyon ng paggawa, samakatwid, ang siyang batayan ng pagkakahati sa mga uri. Ngunit ang pagkakahating ito sa mga uri ay hindi nito mapipigilang maganap sa pamamagitan ng karahasan at pagnanakaw, panlilinlang at panlalamang. Hindi nito mapipigilan ang naghaharing uri, sa sandaling magkaroon ng pagkakataon, na konsolidahin ang kapangyarihan nito sa kapinsalaan ng uring manggagawa, na gamitin ang panlipunang pamumuno nito sa pagpapatindi sa pagsasamantala sa masa.

Subalit kung, sa ganitong pagsasalarawan, ang pagkakahati sa mga uri ay may tiyak mang istorikong batayan, ito'y sa loob ng isang takdang panahon lamang, tanging sa ilalim ng takdang panlipunang kalagayan. Nakabatay ito sa kawalan ng sapat na produksyon. Papalisin ito ng ganap na pag-unlad ng mga modernong produktibong pwersa. At, sa katunayang ang pagpawi sa mga uri sa lipunan ay nangangailangan ng isang antas ng istorikong ebolusyon kung saan ang pag-iral, hindi lamang ng simpleng ito o iyang partikular na naghaharing uri, kundi ng alinpamang naghaharing uri, at, samakatwid, ng pag-iral ng pagkakahati ng mga uri ay naging isa nang lipas na bagay na hindi angkop sa panahon. Nangangailangan ito kung gayon ng pag-unlad ng produksyong ipinatutupad sa isang antas kung saan ang pag-angkin sa mga kagamitan sa produksyon at sa mga produkto, at gayundin sa pampulitikang dominasyon, sa monopolyo ng kultura, at sa intelektwal na pangunguna ng isang partikular na uri sa lipunan, ay hindi na lamang naging kalabisan kundi isa nang pang-ekonomya, pampulitika at intelektwal na sagabal sa pag-unlad.

Ang puntong ito'y sumapit na. Ang pampulitika at intelektwal na pagkabangkarote ng burgesya ay halos hindi na isang lihim sa mismong hanay nila. Ang kanilang pang-ekonomyang pagkabangkarote ay regular na dumarating sa bawat sampung taon. Sa tuwing sumasapit ang krisis, ang lipunan ay nasasakal sa pagkakadagan ng mismong produktibong pwersa at mga produkto nito, na hindi nito magamit, at walang magawa sa pagharap sa balighong kontradiksyong walang makain ang mga tagalikha, sapagkat ang mga konsyumer ay naghihikahos. Pinasabog ng mapagpalawak na pwersa ng mga kagamitan sa produksyon ang tanikalang iginapos sa kanila ng kapitalistang sistema ng produksyon. Ang paglaya nila mula sa pagkakagapos na ito ay isang pangangailangan para sa isang walang-patid, tuluy-tuloy na pinabibilis na pag-unlad ng mga produktibong pwersa, at dahil dito, para sa walang limitasyong paglaki ng mismong produksyon. Hindi lamang ito. Itinatapon ng sosyalistang pag-angkin sa mga kagamitan sa produksyon ang kasalukuyang artipisyal na restriksyon sa produksyon, kundi maging ang tiyak na pagkaaksaya at pagkawasak ng mga produktibong pwersa at mga produkto na sa ngayo'y hindi maiiwasang kaakibat ng produksyon, na umaabot sa katindihan sa panahon ng mga krisis. Dagdag pa, pinalalaya nito para sa sangkatauhan ang napakaraming kagamitan sa produksyon at mga produkto, sa pamamagitan ng pagbasura sa di-makabuluhang pag-aaksaya ng kasalukuyang mga naghaharing uri at ng kanilang mga pampulitikang kinatawan. Ang posibilidad ng pagbibigay ng kaseguruhan sa bawat myembro ng lipunan sa pamamagitan ng sosyalisadong produksyon, ng isang pamumuhay na hindi lamang may lubusang kasapatan sa mga materyal na bagay at higit na nagiging lubos sa araw-araw, kundi ng isang pamumuhay na naggagarantiya sa lahat ng malayang pag-unlad at paggamit ng kanilang mga pisikal at mental na kakayahan - ang posibilidad na ito sa unang pagkakataon ay naririto na, pero nandito na.*

Sa pag-agaw ng lipunan sa mga kagamitan sa produksyon, winawakasan ang produksyon ng mga kalakal, at kasabay nito, ang pangingibabaw ng produkto sa tagalikha. Ang anarkiya sa panlipunang produksyon ay pinapalitan ng sistematiko, depinidong pagkakaorganisa. Ang pakikibaka para sa indibidwal na pamumuhay ay naglaho na. Saka pa lamang sa unang pagkakataon, sa isang pakahulugan, ang tao ay hindi na nabibilang sa kahariang panghayop (animal kingdom), at nahubog mula sa simpleng mga panghayop na kondisyon ng pamumuhay tungo sa tunay na pantaong pamumuhay. Ang kabuuang saklaw ng kondisyon ng buhay na kinapapalooban ng tao, at dating naghari sa tao, ngayo'y nasa ilalim ng kapangyarihan at kontrol ng tao na sa unang pagkakataon ay naging tunay, mulat na panginoon ng kalikasan, sapagkat siya na ngayon ang tagapamahala ng kanyang sariling panlipunang organisasyon. Ang mga batas ng kanyang sariling gawaing panlipunan na dati'y kinakaharap niya bilang batas ng kalikasan na banyaga sa kanya at naghahari sa kanya, ay gagamitin na ngayon nang may ganap siyang pagkaunawa at kontrol. Ang panlipunang organisasyon ng tao, na dating kumukumpronta sa kanya bilang pangangailangang itinakda ng kalikasan at kasaysayan, ngayo'y resulta na lamang ng kanyang sariling gawaing panlipunan. Ang mga panlabas na obhetibong pwersa na siya dating nakakapangyari sa kasaysayan ay dumaraan ngayon sa kontrol ng tao mismo. Tanging mula sa panahong iyon lamang magagawa ng tao, nang higit sa nagiging mulat, na itadhana ang kanyang sariling kasaysayan - tanging mula sa panahong iyon lamang magaganap na ang mga panlipunang adhikaing kanyang ipinatutupad ang, sa pangunahin at sa papalaki ng papalaking hakbang, siyang magiging resultang kanyang binalak. Ito ang pag-angat ng tao mula sa kaharian ng pangangailangan sa kaharian ng kalayaan.


Mga Tala

1 Chartism (Kartilyismo) - ang unang kilusang masa ng uring manggagawa, na naganap sa Britanya noong mga dekada ng 1830-1840. Nagbalangkas ang mga Chartist (Kartilyista) ng isang petisyong isusumite sa Parlamento (People's Charter o Kartilya ng Bayan) na humihingi ng pangkalahatang karapatan sa pagboto, ng pag-alis sa pagmamay-ari ng lupa bilang kwalipikasyon sa pag-upo sa parlamento, atbp., at kanilang ipinakipaglaban ang mga ito. Ang mga rali't demonstrasyon na nilalahukan ng milyun-milyong mga manggagawa at artisano ay tuluy-tuloy na isinagawa sa loob ng maraming taon sa iba't ibang lugar sa Britanya. Ibinasura ng Parlamento ang Kartilya ng Bayan at lahat ng petisyon ng mga Kartilyista. Naglunsad ang gobyerno ng isang kampanya ng brutal na panunupil laban sa mga Kartilyista at inaresto ang mga pinuno nito.

Bagamat nasupil ang kilusan, nagbigay ito ng malaking impluwensya sa pag-unlad ng pandaigdigang kilusang manggagawa.

* K. Marx, Capital, Vol. I. Moscow, 1965, pp. 312-507.

* Hindi gaanong kailangan kaugnay nito na puntuhing kahit na kung ang porma ng pag-angkin ay pareho, ang katangian ng pag-angkin ay nirebolusyonisa ring tulad ng produksyon ng mga pagbabagong inilarawan sa itaas. Ibang bagay syempre kung ang inangkin ko ay ang sarili kong produkto o ang produkto ng iba. Pansinin na ang sahurang-paggawa, na naglalaman sa buong kapitalistang sistema ng produksyon sa pagsibol nito, ay umiiral na noon pang sinauna; sa kalat-kalat, hiwa-hiwalay na porma, umiral ito sa loob ng ilang siglo kasabay ng paggawang alipin. Subalit ang sibol na ito'y maaari lamang yumabong bilang kapitalistang sistema ng produksyon tanging kapag umiral ang mga kinakailangang istorikal na kondisyon. [Tala ni Engels]

* Ang pinatutungkulan ni Engels dito ay ang kanyang akdang The Mark.

2 Ang tinutukoy dito ay ang mga digmaan ng ika-17 at ika-18 siglo sa pagitan ng pinakamalalaking bansang Europeo para sa paghahari sa kalakalan sa Indiya at Amerika para sa mga kolonyal na pamilihan. Una, ang mga pangunahing magkalaban ay Britanya at Olandya, at ang mga digmaang Anglo-Dutch noong 1652-54, 1664-67 at 1672-74 ay mga tipo ng digmaang komersyo; kasunod nito, isang mapagpasyang labanan ang nabuo sa pagitan ng Britanya at Pransya, na napagwagian ng Britanya. Sa pagtatapos ng ika-18 siglo, siya ang naghari sa halos kabuuan ng pandaigdigang kalakalan.

* Ang sabi ko'y "kinakailangan". Sapagkat tanging kapag aktwal na napaglumaan na ng mga kagamitan sa produksyon at distribusyon ang porma ng pamamahala ng mga joint-stock companies, at kapag, samakatwid, ang pag-ari dito ng estado ay hindi na maiiwasan sa ekonomya, doon lamang - kahit na ang estado sa ngayon ang magsagawa nito - magkakaroon ng pang-ekonomyang pagsulong, ang pagkakamit ng isa pang hakbang bago ang pag-ari ng mismong lipunan sa lahat ng mga produktibong pwersa. Subalit nitong huli, mula nang ipatupad ni Bismarck ang pag-ari ng estado sa mga istablisimentong industriyal, isang tipo ng huwad na sosyalismo ang umiral, na maya't maya'y umurong sa isang parang sistema ng mga tuta, walang abug-abog na nagdeklarang lahat ng pag-aaring estado, kahit ang tipo ng kay Bismarck, bilang sosyalistiko. Tunay na kapag ang pag-ari ng estado sa industriya ng tabako ay sosyalistiko, kung gayon sina Napoleon at Metternich ay nararapat na ibilang sa hanay ng mga tagapagtatag ng sosyalismo. Kung ang estadong Belhiko, nang dahil sa mga karaniwang pampulitika at pampinansyang dahilan, ay nagtayo ng pangunahing daangbakal nito; kung si Bismarck, nang hindi dahil sa anumang pang-ekonomyang pangangailangan, ay nagpatupad na ariin ng estado ang pangunahing daangbakal ng Prusya, simpleng para mabilis na magamit ito sakaling magkaroon ng digmaan, gawing isang tambak na botante para sa gobyerno ang mga empleyado ng daangbakal, at higit sa lahat ay lumikha para sa kanyang sarili ng isang bagong pagkukunan ng kita na hiwalay pa sa boto ng parlamento - ito'y isang walang kwentang sosyalistikong hakbang, tuwiran man o di-tuwiran, batid man o di-batid. Kung hindi, ang Royal Maritime Company, ang Royal porcelaine manufacture, at kahit ang patahian ng kasuutang pansundalo ng Hukbo ay ibibilang mga sosyalistikong institusyon, o kahit ang pag-aari ng estado sa mga putahan, na seryosong ipinanukala ng isang tusong aso sa paghahari ni Frederick William III. [Tala ni Engels.]

* Maaring magsilbi para magbigay ng malapit-lapit na ideya ang ilang pigura sa ga-higanteng mapagpalawak na pwersa ng mga modernong kagamitan sa produksyon, kahit sa ilalim ng kapitalistang presyur. Ayon kay G. Giffen, ang kabuuang yaman ng Gran Britanya at Ireland ay nagkakahalaga in round numbers noong
1814 sa £2,200,000,000.
1665 sa £6,100,000,000.
1875 sa £8,500,000,000.

Ang isang pagkakataon ng paglustay ng mga kagamitan sa produksyon at ng mga produkto sa panahon ng krisis, ang kabuuang lugi ng industriya ng bakal pa lang ng Alemanya sa krisis ng 1873-78 ay tinataya ng ikalawang German Industrial Congress (Berlin, Pebrero 21, 1878) na umabot sa £22,750,000. [Tala ni Engels.]

Lunes, Nobyembre 2, 2009

Ang Sigaw ng Dukha - tula ni Crisanto Evangelista

ANG SIGAW NG DUKHA
tula ni Crisanto Evangelista
tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas (1930)

(Handog sa “Kapisanang Damayang Mahirap”, alang-alang sa ikalawang taon ng kanyang pakikitunggali sa larangan ng pag-aagaw-buhay; ang tula'y may 18 pantig bawat taludtod, at may caesure sa ika-6 at ika-12)

I
Mga binibini, mga piling sama at kaginoohan:
Yamang pinipita! Ang Sigaw ng Dukha! na dito’y isaysay
Naito’t tanggapin at sa buong puso’y kusang inialay
Ang tinig na paos, ang bisig na pata, ang damdaming buhay
Ng anak-dalitang nabili na halos ang diwa’t katawan
Makasagot lamang sa paghihikahos at sa kailangan.

II
Tanggapin nga ninyo, mga binibini’t mga piling sama
Na aking ilahad ang buong damdaming ating nadarama,
Ang larawang buhay na kalarolaro at kasamasama,
Ang paghihikahos na kasalosalo’t kaagaw tuwi na,
Sa bawat paghanap, sa bawat paglikha ng ililigaya,
Sa bawat paglasap, sa minsang pagtikim ng ikagiginhawa.

III
Ikaw na nasunod sa atas ng iyong pinapanginoon
Kayong yumuyukod at di nagkukuro sa habang panahon
Akong lumalasap ng pagkasiphayo at pagkaparool,
Tayong lahat ngani, na kinabagsakan ng pula’t linggatong,
Tayo ang may likha, tayo ang may sala ng lahat ng iyon,
Pagkat kundi tayo napaaalipi’y walang panginoon.

IV
Kung tayo’y natutong lumikha sa ating ipananandata
Kung ikaw at ako’y natutong tumutol at di tumalima,
Kung tayong mahirap, tayong manggagawa’y natutong kumita
Ng punglong pangwasak, ng kanyon at saka mga dinamita
Disin ay putol na ang pangaalipin at ang panggagaga
Sa ating mahirap, niyang pinagpala ng masamang mana.

V
Kung ikaw ay hindi naghangad mataas sa dapat kalagyan,
Kung kayo ay hindi natutong humanap ng kapangyarihan,
Kung tayo ay hindi nagtanim ng sama at nagawayaway
Disi’y hindi nila tayo nabusabos at napagkaitan
Ng laya, ng puri, ng buhay at saka iwing karapatan,
Disi’y pantaypantay tayong nagsasama ngayo’t nabubuhay.

VI
Kung sa pasimula ay natuto tayong lumikha’t nagtatag
Ng mga Samahang katulad nga nitong “Damayang Mahirap”
Kung tayo’y nagimpok ng paglilingapan at pagtinging wagas
Sa loob ng mga kapisanang laan sa ating mahirap
Disi’y malaya na tayong tinatanghal at karapatdapat
Sa harap ng Bayan, sa gitna ng Bansa, ng lahat at lahat.

VII
Kung sa pasimula’y nakilala natin ang ating matuwid,
Kung itiniwala sa atin ang gawang dumama’t magmasid,
Kung tayo’y binigyan at saka sinanay sa gawang umibig
Disi’y hindi tayo alipin sa ngayon at tigib ng hapis;
Disi’y hindi tayo laging naglalayo at di naglalapit,
Tayo disin ngayo’y taong may pagasa’t may malayong bisig.

VIII
Maniwala kayong kung sa panimula tayo’y nagpipisan
Bumuo’t nagtatag ng lakas ng bisig at ng karapatan,
Nagbango’t yumari sa isang malaya at sariling bayan,
Niyong bayang salat sa masamang mana at sa kasakiman
Maniwala kayong kahapon ma’t ngayon, bukas at kalian man
Tatanghalin tayong may lakas na tao, may puri’t may dangal.

IX
Maniwala kayong kung sa unauna’t ating ilinayo
Ang masamang hilig ang pagiiringa’t pagbabalatkayo,
Pagtatangitangi’t ang nakasusuklam na sulsol at suyo,
Ang suplong na haling, ang lubhang mahalay na pagngusonguso,
Maniwala kayong tayo’y di lalasap niyong pagkabigo,
Tayo’y di dadama at makakakain ng pagkasiphayo.

X
Maniwala kayo mga piling samang ang paghihikahos
Imbing pagkadusta at pagkaalipin ng lubos na lubos
Ay di gawa lamang ng mamumuhunang mga walang taros
Kundi pati tayo, tayong sugatan ma’y di nagkakaloob
Na gumawa baga ng pagsasanggalang ng wagas at taos
Upang mapaanyo ang lakad ng lahat sa ikatutubos.

XI
Ngayon mga sama, tayo’y dumaraing sa lagay na dusta
Tayo’y nadadagi sa malaking buwis na sa ati’y likha
Ng Batas anilang kung kaya niyari, kung kaya nalagda
Ay sa kagalingan ng bayang mahirap at nagdaralita
Hindi baga ito’y katutubong hangad sa buktot na gawa?
Kapag paggugugol, pantaypantay tayo: Mayaman ma’t Dukha.

XII
Tayo’y dumaraing, laging humihingi ng kandiling tapat,
Sa Pamahalaan, sa Mamumuhunan, at sa lagdang batas
Nguni’t masdan ninyo kapag dumarating ang pagpapahayag
Ng di kasiyahan natin sa pakana’t masamang palakad:
Ang mamumuhunan, ang pamahalaan, at ang mga batas
Ang ating kalaban, ang sumasansala, ng ganap na ganap.

XIII
Gingipit tayo ng nagtataasang halaga ng lahat
Sinisikil tayo sa mababang sahod at ng kasalungat
Tayo’y inaapi ng mamumuhunan sa gawa ng pilak
Binibiro tayo ng mga hukuman sa hatol na tuwas
At pati pa halos niyong lalong imbi tayo’y hinahamak
Nguni’t hindi mandin tayo gumagawa ng mga pangwasak.

XIV
Kung may damdamin ka’t kung dinaramdam mo ang lahat ng ito
Kung may nababahid na kamunting dangal sa puso mo’t noo,
Kung ikaw’y simpanan ng magandang gawa, gawang makatao
Walan lingong likod, kusa mong tunguhin ng taas ang ulo
Ng bukas ang dibdib, ang iyong kasama sa isang upisyo
At isumpa roong makikisama ka nang di maglililo.

XV
Isumpa mo roong magtataguyod ka ng ganap na layon
Na mamahalin mo, ang Palatuntunan at ang iyong Unyon
Gagawa ng lalong matapat sa lahat ng ikasusulong
Hindi magtatamad sa mga pagdalo sa tadhanang pulong
Kusang iwawaksi iyong katakata na higit na lasong
Nanatay sa mithi, nalikha ng sama’t pagninigas-kugon.

XVI
Saka pagkatapos na iyong maganap ang ganang tungkuli’y
Makikita mo nang unti unti naming ang lahat ng sakim,
Ang lahat ng sama na nakapagbigay ng dilang hilahil
Mga kabuktutan at pananakali na labis maniil
Parang napapawing usok na masangsang sa himpapawirin
At sa kasunod niya’y “Ang Sigaw ng Dukha” na sa sama’y lagim.

* Ang tulang ito’y binigkas ng maykatha sa lamayang idinaos ng “Damayang Mahirap” noong ika-23 ng Pebrero ng 1913.

Biyernes, Setyembre 25, 2009

History of Metro Manila Vendors Alliance, from the news

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=174100
Street vendors convene summit vs MMDA chiefBy Romel Bagares (The Philippine Star)
Updated August 31, 2002

They’re not going to take it lying down.
Street vendors, besieged by a war declared by Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando to clear city sidewalks, convened a historic summit yesterday at the University of the Philippines church in Quezon City to establish the Metro Manila Vendors Alliance (MMVA).
"He is depriving us of our only honest means of livelihood," said Melly Auza, 50, a leader of the 6,000-member Baclaran Christian and Muslim Vendors Association. "We have to fight to survive."
Auza, who sends three children to private colleges, said she and her husband Onie have been unable to sell their wares for a month now because of Fernando’s campaign.
Auza said she sells shoes and umbrellas at a stall near the Light Rail Transit station in Baclaran. She supplemented income from vending by running a small eatery.
She claimed business has become bad since the MMDA began a crackdown on street vendors.
One moment, her stall is open, at another, it is hurriedly closed down because of MMDA enforcers on the prowl. At times, she and her husband have to hide at nearby malls and department stores while an MMDA clearing operation is underway.
"Lately, however, the guards at the mall have been throwing us out," she said. "We later learned that the MMDA chairman had asked the department store owners to keep us out."
The MMVA, convened under the auspices of the militant group Sanlakas and its urban poor ally Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), drew vendor groups from 24 areas in the metropolis.
A joint manifesto issued by the MMVA at the end of the day-long summit said the MMDA, instead of carrying out a "policy of annihilation," should work in hand with local chief executives and the national government to organize vendors, support their cooperatives and involve them in joint socio-economic projects.
While admitting that they have wittingly or unwittingly violated laws and regulations, vendors insisted that they were forced by circumstances.
"For poor people like us, sidewalk vending is an economic necessity not a travesty of laws," the vendors said in the manifesto. "We are not criminals. We find it more detestable to see our government selling all its properties to foreign and private corporations than to see ordinary people selling their merchandise in the streets at a bargain price."
"If the government can afford to talk with armed rebels in the hope of ending the conflict, why can’t they do the same with vendors," it said.
The vendors warned that if Fernando remains undaunted in his terror tactics, "we have no other recourse but to fight back."
Some vendors did not make it to the summit, like those from Cubao and Gracepark in Caloocan, where MMDA enforcers swooped down on their stalls yesterday and hauled their wares unto trucks.