ANG KAHALAGAHAN NG TULDIK
talagang mahalaga ang gamit ng tuldik
na nilalagay sa ibabaw ng patinig
upang maunawà ang bigkas ng salitâ
at wastong kahuluga'y mabatid ding sadyâ
halimbawa sa nailathalang balità:
doble ang kahulugan ng "magkakaanak"
"magkakaának" kung sila'y magkamag-anak
"magkakaanák" kung buntis na ang kabiyak
pansinin mo ang tuldik na "á" sa salitâ
naroon ang diin ng bigkas ng katagâ
upang kahulugan ay agad maunawà
bagamat di nagamit doon sa balità
saan dapat itapat ang tuldik-pahilis
ay dapat batay sa bigkas at kahulugan
kaiba sa tuldik-paiwâ at pakupyâ
na nararapat lang nating maintindihan
- gregoriovbituinjr.
12.31.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Disyembre 23, 2025, p.2

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento