Miyerkules, Hulyo 15, 2009

Konstitusyon ng Piglas-Kabataan


KONSTITUSYON NG PINAGKAISANG LAKAS NG KABATAAN LABAN SA KAHIRAPAN (PIGLAS-KABATAAN)


PREAMBULO

Kaming mga lider at kasapi ng PIGLAS-KABATAAN na matatagpuan mula sa mga maralitang lunsod at karatig pook na may adhikain na isang lipunang may pagkakapantay-pantay ang tao, may dignidad ang bawat isa at walang kahirapan at pagsasamantala.

Tayo ay naniniwalang maisasakatuparan ang gayong mga mithiin sa pamamagitan ng masigasig na pagpapatatag at pagpapalawak ng mga Samahan, ang mulat na paglahok at pagkilos, ang mahigpit na pagkakaunawaan at pagtutulungan ng lahat ng mga lider at kasapi, na may malawak na pag-iisip at pagtutulungan ng buong Organisasyon ng PIGLAS-KABATAAN. Sa tulong ng bawa’t isa, ang Konstitusyong ito ang magiging saligan at batayan ng ating pagkakatatag at pagkakaisa na siyang mag-aatas, magpapatibay at gagabay sa ating pagkilos.


ARTIKULO I: PANGALAN, SAGISAG, WATAWAT AT SUMPA

SEKSYON 1: Ang Konpederasyong ito ay makikilala sa pangalang Pinagkaisang Lakas ng Kabataan Laban sa Kahirapan na idadaglat bilang PIGLAS-KABATAAN.

SEKSYON 2: Ang Sagisag nito ay ang ambigramo ng mga letrang “P” at “K” na may watawat na baliktaran sa taas at baba-- may nakasulat na PIGLAS-KABATAAN sa loob ng watawat.

SEKSYON 3: Ang watawat nito ay isang putting tela na kung saan ay nakalagay ang sagisag.

SEKSYON 4: SUMPA

Ako si ____________, ay nagpapahayag ng aking lubos at walang sawa pasubaling pagsang-ayon sa Konstitusyon at Programa ng PIGLAS-KABATAAN.

Sumusumpa akong tutupdin ng buong puso at walang pag-iimbot ang lahat ng tungkulin at gawain na inaatas sa akin.Sisikapin kong paunlarin ang aking sarili upang ganap na maunawaan ang prinsipyo at adhikain ng PIGLAS-KABATAAN upang sa gayon ay mapaunlad ang aking kamulatan at kakayahan. Paglilingkuran ko palagi at ipagmamalaki ang aking sarili bilang parte ng uring naaapi at ipagtatanggol ko ang aking uri laban sa anumang manipestayon ng pagsasamantala, at gagamitin ko ang aking talino at lakas upang makatulong sa pagpapalaya ng buong uring api.

Bilang kasapi ng ating samahan, sumusumpa ako na ituturing bilang isang kapatid ang bawat kasapi ng ating organisasyon at igagalang ang kanilang mga karapatan ayon sa tinatakda ng konstitusyon ng PIGLAS-KABATAAN. Mangingibabaw sa akin ang mga katangian na mapagpakumbaba, bukas ang isip, mapanuri, nagsasakripisyo at katapangan sa gitna ng panunupil. Pangangalagaan ko ang prestihiyo ng PIGLAS-KABATAAN at iaalay ko ang lahat hanggang sa maganap ang isang lipunan na maglilingkod sa karapatan ng bawat isa.

ARTIKULO II: DEKLARASYON NG MGA PRINSIPYO

SEKSYON 1: Dakilain at dalisayin ang papel ng mga kabataan para sa pagbabagong panlipunan. Maibalik ang dignidad ng kabataan sa komunidad na ninakaw ng kahirapan at ng kawalang hustisya sa lipunan.

SEKSYON 2: Ang mga kabataan sa komunidad ay mayroong mga natatanging usapin at isang pwersang dapat kilalanin na kung imapagbubuklod at mapapalakas ay may kakayahang maimpluwensyahan ang mga patakaran at programa ng gubyerno mula sa pagiging anti-maralita tungong maka-maralitang mga patakaran.

SEKSYON 3: Ang pagpapalakas ng kilusang kabataan sa pamamagitan ng pagmumulat at pag-oorganisa sa mga komunidad upang magkaroon ng maasahang pwersa sa malalawak, malalaki at nagkakaisang mga pagkilos na magpapanday ng mga lider at miyembro para sa mas malalaking gawain, mabuting pamamahala at pagtugon sa mga batayang isyu ng kabataan ang mananatiling saligang gawain ng Konpederasyon.

ARTIKULO III: MGA LAYUNIN

SEKSYON 1: Pagpapalakas, pagpapatatag at pagpapalawak ng mga samahan ng mga kabataan at ang pagtitipon dito upang magroon ng nagkakaisang tunguhin.

SEKSYON 2: Pagpapataas ng antas pangkamulatan, pangkasanayan, pangkaalaman at pang-aktitud ng mga lider at kasapi para sa epektibo at episyenteng pamumuno at pangangasiwa ng organisasyon.

SEKSYON 3: Pagsusulong ng mga pakikibaka para itaguyod at ipagwagi ang mga isyu at pangkagalingan ng mga kabataan.

SEKSYON 4: Pagtugon at pakikilahok sa mga sektoral at mga pambansang isyu at pagkilos na nakakaapekto sa karapatan at kagalingan ng mga kabataan at ng mamamayan sa kabuuan.

SEKSYON 5: Pagpapataas ng antas ng kamulatan para sa lubos na pagkilala, pagtanggap ng mga usapin at pagsasapraktika ng mga konsepto, tungo sa ganap na pagkakapantay-pantay ng mga tauhin [babae, lalaki, lesbians, gays, bisexuals at transexuals].

SEKSYON 6: Pagsusulong ng pakikipagkaibigan, pakikiisa, pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa mga indibidwal, grupo, samahan at institusyon na sumusuporta sa mga kabataan sa loob at labas ng bansa.

SEKSYON 7: Pagyamanin at pangalagaan ang kalikasang bumubuhay sa pamayanan at itaguyod ang pamahalaang magbubunga ng kalusugan para sa lahat.

SEKSYON 8: Pangalagaan ang mga karapatang pantao ng kabataan at hubugin sila tungo sa:

Seksyon 8.1. Pagsasarili: Maitaguyod ang sarili at ang mga kupkupin;

Seksyon 8.2. Pagkakaroon ng positibo at responsableng relasyon sa kominidad at nagsusulong ng kagalingan at pagkakapantay-pantay sa lipunan.

ARTIKULO IV: MISYON NG PIGLAS-KABATAAN

SEKSYON 1: Bigkisin ang iba’t-ibang samahan ng maralitang kabataan, buuin ang matibay na pagkakaisa sa batayang interes ng pagsusulong ng karapatan at kagalingan ng kabataan.

SEKSYON 2: Itaas ang kamalayan ng mga kabataan sa samu’t-saring mga isyu at usapin na may kinalaman sa lipunan at komunidad na kanyang kinabibilangan.

SEKSYON 3: Mapatimo ang kanyang mahalagang papel na gagampanan para sa pagbabago ng kanyang komunidad at ng lipunan sa kabuuan.

SEKSYON 4: Ihanda at sanayin bilang mga mahuhusay na lider ng kanilang sektor at maging epektibong kabahagi ng pamumuno sa kanilang komunidad.

SEKSYON 5: Bigyang direksyon at hubugin ang maralitang kabataan bilang mamamayan na may mataas na pagkilala sa karapatang pantao, indignasyon laban sa anumang anyo ng opresyon, maging sa kasarinlan lahi pang-aalipin at iba pa.

ARTIKULO V: KASAPIAN AT MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG KASAPI

SEKSYON 1: Maaaring sumapi sa PIGLAS-KABATAAN ang:

SEKSYON 1.1: Alinmang samahan na hindi bababa sa 25 kasapian na may kahalintulad na layunin at prinsipyo, handang pumailalim sa Saligang Batas ng Konpederasyon at may pormal na liham ng kahilingan ng pagsapi sa alinmang Balangay na sumasakop sa kanila.

SEKSYON 1.2: Ang samahan na may kasapian bababa sa 25 kasapian ay tatanggapin bilang pansamantalang kasapi hanggang sa makamit ang minimum na 25 kasapian.

SEKSYON 1.3: Sinumang indibidwal na may labing-limang (15) taong gulang hanggang tatlumpung (30) taong gulang na handang pumaloob sa alinmang kapisanan nito matapos ang paglagda sa kasulatan ng pagsapi at pagbayad ng butaw.


SEKSYON 2: Ang mga sumusunod ay mga karapatan ng Kasapi ng PIGLAS-KABATAAN:

SEKSYON 2.1: Maituring bilang isang kasama.

SEKSYON 2.2: Magmungkahi at pumuna para sa kapakanan ng Konpederasyon.

SEKSYON 2.3: Iparinig ang sariling panig, ipagtanggol ang sarili at sagutin ang mga paratang o paninira sa Organisasyon.
SEKSYON 2.4: Karapatang maghalal at maihalal.



SEKSYON 3: Ang mga sumusunod ay tungkulin ng bawat Kasapi:

SEKSYON 3.1: Tangkilin, pangalagaan at itaguyod ang Samahan;

SEKSYON 3.2: Sumunod sa lahat ng kapasyahan at napagkaisahang plano at patakaran ng Konpederasyon;

SEKSYON 3.3: Regular na dumalo sa mga pulong ng Lokal na Samahan at Balangay na kinapapalooban at lumahok sa lahat ng mga pagkilos ng konpederasyon.

SEKSYON 3.4: Regular na magbayad ng buwanang butaw sa halagang limang (5) piso na paghahatian ng sentrong rehiyon, balangay at lokal na samahan at taunang butaw ng kasaping Lokal na Samahan na nagkakahalaga ng dalawampung (20) piso na isusumite sa sentro ng buo at maging pondo sa General Fund.

SEKSYON 3.5: Tungkuling iulat ang kalagayan ng butaw kung ilan ang lumabas o pumasok, ano ang pinaggamitan, atbp. isang beses sa isang buwan sa lahat ng miyembro ng Lokal na Samahan ng PIGLAS-KABATAAN.

SEKSYON 3.6: Tangkilin ang dyaryo, babasahin, programa, serbisyo at produkto ng Konpederasyon.


ARTIKULO VI: ISTRUKTURA, KAPANGYARIHAN AT TUNGKULIN

SEKSYON 1: Kongreso

SEKSYON 1.1: Katangian at Komposisyon

SEKSYON 1.1.1: Ito ay idadaos tuwing ikatlong (3) taon.
SEKSYON 1.1.2: Ito ay binubuo ng mga Opisyales ng bawat Balangay, mga halal na Sentrong Pamunuan ng Konpederasyon, mga Tagapangulo ng mga Lokal na Organisasyon at mga halal na delegado ayon sa napagkasunduang bilang batay sa kasapian.


SEKSYON 1.2: Kapangyarihan at Tungkulin:

SEKSYON 1.2.1: Pinakamataas na Organong nagtatakda ng mga patakaran at tunguhin ng Organisasyon.

SEKSYON 1.2.2: Maghalal ng mamumuno sa Konpederasyon sa loob ng talong (3) taon o hanggang sa susunod na kongreso.

SEKSYON 1.2.3: Mag-amyenda at magpatibay ng mga probisyon ng Saligang Batas.

SEKSYON 1.2.4: Tagapagpatibay ng mga ulat sa kalagayan ng bawat gawain.

SEKSYON 1.2.5: Tagapagpatibay ng pangkalahatang programa, estratehiya at plano ng Konpederasyon.

SEKSYON 2: Pangrehiyong Pamunuan

SEKSYON 2.1: Tagapagpatupad ng mga desisyon, plano, patakaran at alituntunin ng Kongreso.

SEKSYON 2.2: Maglalabas ng gabay, desisyon, plano at direktiba para sa pagsasakatuparan ng mga pinagtibay o pinagkaisahang patakaran at alituntunin ng Kongreso.

SEKSYON 2.3: Mangangasiwa sa pang-araw-araw na gawain at pagkilos ng Konpederasyon at mga programa kaugnay ng pagsubaybay at pagtitiyak ng sistema ng komunikasyon, pagtatalaga, pagtatanggal at pagsasagawa ng ebalwasyon sa mga Kasapi.
SEKSYON 2.4: Kagyatang gagawa ng mga resolusyon at desisyon batay sa mga sumusulpot na usapin sa Konpederasyon at mga Kampanya.

SEKSYON 2.5: Regular na magpupulong dalawang (2) beses sa loob ng isang buwan, sa tuwing una at ikatlong Sabado ng bawat buwan.

SEKSYON 2.6: Magsasagawa ng komprehensibong pagtatasa sa mga gawain tuwing ika-anim na buwan.

SEKSYON 2.7: Mangangasiwa sa mga Balangay.


SEKSYON 3: Mga Komite

SEKSYON 3.1: Komite sa Pinansya

SEKSYON 3.1.1: Tungkulin nito ang pagbuo ng mga patakarang pampinansya ng Konpederasyon na pagtitibayin ng Kongreso.

SEKSYON 3.1.2: Magbalangkas ng plano para sa pagpapalakas ng katayuang pampinansya ng Konpederasyon sang-ayon sa mga patakaran nito.

SEKSYON 3.1.3: Mahigpit na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa iba pang Programa na may kinalaman sa pagpapasulpot ng pinansya, dito gagawa ng patakaran hinggil sa pangangasiwa na pagtitibayin ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 3.1.4: Magtitiyak na maipapatupad ang mga pinagtitibay na patakaran sa pinansya ng Konpederasyon.

SEKSYON 3.1.5: Regular na mag-uulat sa kalagayan sa pananalapi sa mga pulong ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 3.1.6: Binubuo ng mga Ingat-Yaman ng mga balangay na pamumunuan ng Direktor sa Pinansya ng Konpederasyon.

SEKSYON 3.1.7: Regular na magpupulong minsan sa tatlong buwan bago ang regular na pulong ng Panrehiyong Pamunuan liban sa mga kagyatang pulong na idaraos ayon sa pangangailangan.


SEKSYON 3.2: Komite sa Edukasyon, Pagsasanay at Exposure

SEKSYON 3.2.1: Binubuo ng hindi bababa sa pitong (7) katao na nagmumula sa bawat Balangay ng Pederasyon.

SEKSYON 3.2.2: May tungkuling paunlarin at pataasin ang kaalaman at kasanayan ng mga Lider at Kasapi ng Konpederasyon sa lahat ng aspeto.

SEKSYON 3.2.3: Tungkuling magbigay ng mga pag-aaral at pagsasanay sa mga Kasapi hinggil sa pang-organisasyon at isyung pangkomunidad at pang-sektor.

SEKSYON 3.2.4: Pagpapalaganap ng Oryentasyon ng PIGLAS-KABATAAN at pahayagan ng Organisasyon sa Kasapian

SEKSYON 3.2.5: Regular na magpupulong minsan sa tatlong buwan bago ang regular na pulong ng Panrehiyong Pamunuan liban sa mga kagyatang pulong na idaraos ayon sa pangangailangan.

SEKSYON 3.3: Komiteng Pangkultura

SEKSYON 3.3.1: Tungkulin na tiyakin na naipapalaganap ang makabayan, maka-masa at siyentipikong kamulatan sa hanay ng Kasapian.

SEKSYON 3.3.2: Regular na magpupulong minsan sa dalawang (2) buwan bago ang regular na pulong ng Pangrehiyong Pamunuan liban sa kagyatang pulong na idaraos ayon sa pangangailangan.

SEKSYON 3.3.4: Bubuuin ng mga itatalagang kinatawan mula sa mga Balangay at pamumunuan ng Lokal na organisasyon o ayon sa pagtatalaga ng Kongreso.

SEKSYON 3.3.5: Tungkuling palaganapin sa hanay ng kabataan sa mga Balangay ng PIGLAS-KABATAAN ang aktibong paglahok sa mga gawaing pangkultura.

SEKSYON 3.3.6: Ihanda ang mga kabataan sa ilalim ng PIGLAS-KABATAAN sa bagong larangan ng mga gawaing kapaki-pakinabang sa bayan.

SEKSYON 3.3.7: Magbalangkas ng plano at mga patakaran sa paglulunsad ng mga gawaing pangkultura.

SEKSYON 3.3.8: Mahigpit na makikipag-ugnayan sa mga pamahalaan at iba pang mga institusyon para sa pagpapatampok ng Programa.

SEKSYON 3.3.9: Regular na mag-uulat ng mga gawain sa mga pulong Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 3.3.10: Bubuuin ng mga kabataan mula sa mga Balangay at mga local na organisasyon ng Konpederasyon.
SEKSYON 3.4: Komite sa Kampanya

SEKSYON 3.4.1: Binubuo ng mga miyembro mula sa mga Balangay at lokal na organisasyon

SEKSYON 3.4.2: Tungkulin na tiyakin na naipapalaganap ang mga atas, plano at mga pagkilos at buong porma ng kampanya at mapalakad ito.

SEKSYON 3.4.3: Regular na magpupulong minsan sa dalawang (2) buwan bago ang regular na pulong ng Pangrehiyong Pamunuan liban sa kagyatang pulong na idaraos ayon sa pangangailangan.

SEKSYON 3.4.4: Tungkuling palaganapin sa hanay ng kabataan sa mga Balangay ng PIGLAS-KABATAAN ang aktibong paglahok sa mga kampanya.

SEKSYON 3.4.5: Ihanda ang mga kabataan sa ilalim ng PIGLAS-KABATAAN sa bagong larangan ng mga gawain sa kampanya.

SEKSYON 3.4.6: Magbalangkas ng plano at mga patakaran sa paglulunsad ng mga Kampanya.

SEKSYON 3.4.7: Regular na mag-uulat ng mga gawain sa mga pulong Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 3.5: Komite sa Pag-oorganisa

SEKSYON 3.5.1: Binubuo ng mga miyembro mula sa mga Balangay at lokal na organisasyon na pinamumunuan ngdirektor na nahalal sa kongreso.

SEKSYON 3.5.2: Tungkulin na tiyakin na naipapalaganap ang mga atas, plano at mga pagkilos at buong porma ng pag-oorganisa—partikular sa consol at expansion-- at mapalakad ito.

SEKSYON 3.5.3: Regular na magpupulong minsan sa dalawang (2) buwan bago ang regular na pulong ng Pangrehiyong Pamunuan liban sa kagyatang pulong na idaraos ayon sa pangangailangan.

SEKSYON 3.5.4: Tungkuling palaganapin sa hanay ng kabataan sa mga Balangay ng PIGLAS-KABATAAN ang aktibong pag-oorganisa.

SEKSYON 3.5.5: Ihanda ang mga kabataan sa ilalim ng PIGLAS-KABATAAN sa bagong larangan ng mga gawain sa Pag-oorganisa.

SEKSYON 3.5.6: Magbalangkas ng plano at mga patakaran sa pag-oorganisa.

SEKSYON 3.5.7: Regular na mag-uulat ng mga gawain sa mga pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.


SEKSYON 4: Istruktura ng Balangay

SEKSYON 4.1: Konseho ng mga Pinuno ng Balangay 0 Chapter Council of Leaders (CCL)

SEKSYON 4.1.1: Katangian. Binubuo ito ng General Assembly at mga halal na Pangulo at Kalihim ng kasaping Lokal na Organisasyon, mga halal na pinuno sa antas Balangay at ng mga Tagapangulo ng mga Komite.


SEKSYON 4.1.2: Tungkulin at Kapangyarihan

SEKSYON 4.1.2a: Gagawa ng programa para sa Balangay batay sa pangkalahatang estratehiya o oryentasyon/direksyon ng Konpederasyon.

SEKSYON 4.1.2b: Pagpapartikularisa ng plano na itinakda ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 4.1.2c: Tatayong epektibong sentro ng pamunuang Balangay.

SEKSYON 4.1.2d: Magbabalangkas at magpapatibay ng lahat ng mga patakaran at resolusyon ng Balangay.

SEKSYON 4.1.2e: Mangangasiwa sa lahat ng Lokal na Organisasyon at Kasapian ng Balangay.


SEKSYON 4.2: Lupong Tagapagpaganap o Executive Committee (EC)

SEKSYON 4.2.1: Katangian. Ito ay binubuo ng mga sumusunod: Pangulo ng Balangay (Chapter), Pangalawang Pangulong Panloob, Pangalawang Pangulong Panlabas, Pangkalahatang Kalihim, Lupon sa Pinansya, Lupon sa ED, Lupon sa Gawaing Pangkultura, Lupon sa Kampanya at Lupon sa Pag-oorganisa.

SEKSYON 4.2.2: Kapangyarihan at Tungkulin

SEKSYON 4.2.2a: Tagapagpatupad ng mga plano, desisyon, resolusyon, patakaran at alituntunin ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 4.2.2b: Magtitiyak na ipinatutupad ang mga pinagtibay o pinagkaisahang patakaran.


ARTIKULO VII: KAPANGYARIHAN, TUNGKULIN AT RESPONSIBILIDAD NG PINUNO

SEKSYON 1: Ang Pangulo

SEKSYON 1.2: Ang Pangulo ang may karapatang tumawag at mangulo ng pangkalahatan at pangkaraniwang pulong ng Lupon at Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 1.3: Magpairal at mangasiwa sa mga itinatadhana ng Saligang Batas at lahat ng Resolusyong pinagtibay ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 1.4: Lumagda sa lahat ng pinagtibay na katitikan ng mga pulong ng mga Konpederasyon at lupong pamunuan at sa lahat ng sulat at dokumento na nauukol sa Konpederasyon.

SEKSYON 1.5: Kumakatawan sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa Konpederasyon at sa pagsasaayos sa mga sigalot sa loob at labas ng hukuman.

SEKSYON 1.6: Gampanan ang lahat ng mga gawain na may kaugnayan o iaatang sa kanya.

SEKSYON 1.7: Magpatibay at magpatunay sa lahat ng gugugulin ng Pederasyon na ayon sa pahintulot at lumagda kasama ang Lupon sa Pinansya sa lahat ng katibayang nauuukol sa pananalapi, pagpasok at paglabas gayundin ng paglalagak sa bangko.

SEKSYON 1.8: Maging Tagapangulo ng ispesyal na Komiteng itatakda ng Panrehiyong Pamunuan ayon sa pangangailangan.

SEKSYON 1.9: Magtiyak na pinaiiral ang mga patakaran ng TRANSPARENCY sa buong Konpederasyon.

SEKSYON 1.10: Magtiyak na umiiral ang mahigpit na pagkakaisa, pagtutulungan sa loob ng Lupong Tagapagpaganap.

SEKSYON 1.11: Mangunguna sa pagbabalangkas ng pana-panahong plano at pagbibigay-direksyon sa pamamagitan ng mga patakaran ayon sa kabuuang oryentasyon ng Konpederasyon.


SEKSYON 2: Pangalawang Pangulong Panloob o Vice President Internal (VPI)

SEKSYON 2.1: Gaganap sa lahat ng kapangyarihan ng Pangulo kung ang huli ay wala o hindi makaganap sa tungkulin.

SEKSYON 2.2: Magiging katuwang ng Pangulo sa pagsubaybay sa mga Balangay.

SEKSYON 2.3: Makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga Pamunuan ng Balangay.

SEKSYON 2.4: Magtitiyak sa maayos na sistema ng komunikasyon sa loob at labas ng Pederasyon.



SEKSYON 3: Pangalawang Pangulong Panlabas o Vice President External (VPE)

SEKSYON 3.1: Tatayong kinatawan ng Konpederasyon sa mga pulong at gawaing pang-ugnayan.

SEKSYON 3.2: Mamumuno sa Komite ng Alyansa, Exposure at Adbokasiya.


SEKSYON 4: Pangkalahatang Kalihim o Secretary General (Sec. Gen.)

SEKSYON 4.1: Magpapatawag ng pulong at magtatala ng katitikan.

SEKSYON 4.2: Lumagda sa lahat ng katitikan ng mga pulong pampederasyon at mag-iingat sa lahat ng liham, kasulatan at dokumento ng Pederasyon.

SEKSYON 4.3: Maghanda ng ulat at talaan ng lahat ng Kasapi.

SEKSYON 4.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Lupong Tagapagpaganap.

SEKSYON 4.5: Magtitiyak sa masinop na daloy ng komunikasyon.

SEKSYON 4.6: Mamamahala sa pang-araw-araw na takbo ng Sentrong Tanggapan.

SEKSYON 4.7: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.


SEKSYON 5: Direktor sa Pinansya

SEKSYON 5.1: Mahigpit na magpapatupad sa sistema at patakaran sa pananalapi na itinalaga at binalangkas ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 5.2: Sumingil sa lahat ng buwanang butaw ng kasaping Lokal na Organisasyon at tatanggap ng lahat ng donasyon para sa Konpederasyon.

SEKSYON 5.3: Maglagak ng pondo o salapi ng Konpederasyon sa bangkong ipinasya ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 5.4: Mag-iingat at magtatago ng lahat ng katibayan at aklat ng pananalapi ng Konpederasyon.

SEKSYON 5.5: Magharap ng ulat sa Panrehiyong Pamunuan at sa pulong ukol sa kalagayan ng pananalapi ng Konpederasyon.

SEKSYON 5.6: Manguna sa paggawa ng plano sa gastusin ng Konpederasyon ayon sa desisyon ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 5.7: Magbalangkas ng plano sa pangangalap ng pondo sa pakikipag-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 5.8: Maging isa sa taga-lagda sa lahat ng transaksyon sa pananalapi ng Konpederasyon at Programa

SEKSYON 5.9: Mahigpit na pairalin ang pagiging bukas at hayag sa lahat ng mga transaksyon.


SEKSYON 6: Direktor sa Pag-00rganisa

SEKSYON 6.1: Mamumuno sa pagpaplano ng gawaing ekspansyon at konsolidasyon.

SEKSYON 6.2: Mangangasiwa at tutugon sa mga problema na haharapin sa gawaing ekspansyon.

SEKSYON 6.3: Mag-uulat sa kalagayan ng gawaing ekspansyon at konsolidasyon sa pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 6.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 6.5: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.



SEKSYON 7: Direktor sa Kampanya.

SEKSYON 7.1: Mamumuno sa pagpaplano ng Kampanya.

SEKSYON 7.2: Mangangasiwa at tutugon sa mga problema na haharapin sa Kampanya.

SEKSYON 7.3: Mag-uulat sa kalagayan ng Kampanya sa pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 7.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 7.5: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.



SEKSYON 8: Direktor sa Edukasyon at Pagsasanay

SEKSYON 8.1: Mamumuno sa pagpaplano ng gawain sa edukasyon at Pagsasanay .

SEKSYON 8.2: Mangangasiwa at tutugon sa mga problema na haharapin sa gawaing Edukasyon at Pagsasanay.

SEKSYON 8.3: Mag-uulat sa kalagayan ng gawaing Edukasyon at Pagsasanay sa pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 8.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 8.5: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.



SEKSYON 9: Direktor sa Gawaing Pangkultura.

SEKSYON 9.1: Mamumuno sa pagpaplano ng gawaing Pangkultura.

SEKSYON 9.2: Mangangasiwa at tutugon sa mga problema na haharapin sa gawaing Pangkultura.

SEKSYON 9.3: Mag-uulat sa kalagayan ng gawaing Pangkultura sa pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 9.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 9.5: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.



SEKSYON 10: Mga Pinuno ng Balangay

SEKSYON 10.1: Pangulo

SEKSYON 10.1.1: Ang Pangulo ay may karapatang tumawag, mangulo ng pangkalahatan, tangi at pangkaraniwang pulong ng Balangay.

SEKSYON 10.1.2: Magpairal at mangasiwa sa mga itinatadhana ng Saligang Batas at lahat ng resolusyong pinagtibay ng Balangay.

SEKSYON 10.1.3: Lumagda sa lahat ng pinagtibay na katitikan ng mga pulong at sa lahat ng sulat at dokumento na nauukol sa Balangay.

SEKSYON 10.1.4: Kumatawan sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pagsasaayos ng mga sigalot sa loob at labas ng Balangay.

SEKSYON 10.1.5: Gampanan ang lahat ng gawain na may kaugnayan sa kanyang tungkulin bilang Pangulo ng Balangay o iaatas sa kanya.

SEKSYON 10.1.6: Magpatibay at magpatunay sa lahat ng gugugulin ng ayon sa pahintulot at lumagda kasama ng Ingat-Yaman sa lahat ng katibayan at ang pagsusurian sa lahat ng katibayang nauukol sa pananalapi, pagpasok at paglabas, gayundin sa paglalagak sa bangko.

SEKSYON 10.1.7: Magtitiyak na pinaiiral ang mga patakaran ng transparency sa buong Balangay.

SEKSYON 10.1.8: Magtitiyak na umiiral ang mahigpit na pagkakaisa at pagtutulungan sa loob ng Lupong Tagapagpaganap ng Balangay.

SEKSYON 10.1.9: Mangunguna sa pagbabalangkas ng mga pana-panahong plano at pagbibigay-direksyon sa pamamagitan ng mga patakarang ayon sa kabuuang oryentasyon ng SM-ZOTO.


SEKSYON 10.2: Pangalawang Pangulong Panloob o Vice President Internal (VPI)

SEKSYON 10.2.1: Gaganap sa lahat ng kapangyarihan at tungkulin ng Pangulo ng Balangay kung ang huli ay wala o hindi makaganap sa tungkulin.

SEKSYON 10.2.2: Mamuno sa Komite ng Pag-oorganisa.

SEKSYON 10.2.3: Magiging katuwang ng Pangulo sa pagsubaybay sa mga Kasapi ng Lokal na Organisasyon.

SEKSYON 10.2.4: Makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga Pamunuan ng mga Lokal na Organisasyon.

SEKSYON 10.2.5: Magtitiyak sa maayos na sistema ng komunikasyon sa loob at labas ng Balangay.


SEKSYON 10.3: Pangalawang Pangulong Panlabas

SEKSYON 10.3.1: Mamumuno sa Komite sa Alyansa, Exposure at Adbokasiya

SEKSYON 10.3.2: Tatayong kinatawan ng Balangay sa mga pulong at gawaing pang-ugnayan.


SEKSYON 10.4: Pangkalahatang Kalihim o Secretary General (Sec. Gen.)

SEKSYON 10.4.1: Magpapatawag ng pulong at magtatala ng katitikan.

SEKSYON 10.4.2: Lumagda sa lahat ng katitikan ng mga pulong sa balangay at mag-iingat sa lahat ng liham na kasulatan at dokumento ng Balangay.

SEKSYON 10.4.3: Maghanda ng ulat at talaan ng mga Kasapi.

SEKSYON 10.4.4: Makipag-ugnayan sa lahat ng kalihiman ng iba’t ibang kasaping Lokal na Organisasyon ng Balangay.


SEKSYON 10.5: Direktor sa Pinansya

SEKSYON 10.5.1: Mahigpit na magpapatupad sa sistema at patakaran sa pananalapi na itinalaga at binalangkas ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.5.2: Sumingil sa lahat ng buwanang butaw ng kasaping Lokal na Organisasyon at tatanggap ng lahat ng donasyon para sa Konpederasyon.

SEKSYON 10.5.3: Maglagak ng pondo o salapi ng Konpederasyon sa bangkong ipinasya ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.5.4: Mag-iingat at magtatago ng lahat ng katibayan at aklat ng pananalapi ng Konpederasyon.

SEKSYON 10.5.5: Magharap ng ulat sa Panrehiyong Pamunuan at sa pulong ukol sa kalagayan ng pananalapi ng Konpederasyon.

SEKSYON 10.5.6: Manguna sa paggawa ng plano sa gastusin ng Konpederasyon ayon sa desisyon ng Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.5.7: Magbalangkas ng plano sa pangangalap ng pondo sa pakikipag-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.5.8: Maging isa sa taga-lagda sa lahat ng transaksyon sa pananalapi ng Konpederasyon at Programa

SEKSYON 10.5.9: Mahigpit na pairalin ang pagiging bukas at hayag sa lahat ng mga transaksyon.


SEKSYON 10.6: Direktor sa Pag-00rganisa

SEKSYON 10.6.1: Mamumuno sa pagpaplano ng gawaing ekspansyon at konsolidasyon.

SEKSYON 10.6.2: Mangangasiwa at tutugon sa mga problema na haharapin sa gawaing ekspansyon.

SEKSYON 10.6.3: Mag-uulat sa kalagayan ng gawaing ekspansyon at konsolidasyon sa pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.6.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.6.5: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.

SEKSYON 10.7: Direktor sa Kampanya.

SEKSYON 10.7.1: Mamumuno sa pagpaplano ng Kampanya.

SEKSYON 10.7.2: Mangangasiwa at tutugon sa mga problema na haharapin sa Kampanya.

SEKSYON 10.7.3: Mag-uulat sa kalagayan ng Kampanya sa pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.7.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.7.5: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.



SEKSYON 10.8: Direktor sa Edukasyon at Pagsasanay

SEKSYON 10.8.1: Mamumuno sa pagpaplano ng gawain sa edukasyon at Pagsasanay .

SEKSYON 10.8.2: Mangangasiwa at tutugon sa mga problema na haharapin sa gawaing Edukasyon at Pagsasanay.

SEKSYON 10.8.3: Mag-uulat sa kalagayan ng gawaing Edukasyon at Pagsasanay sa pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.8.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.8.5: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.

SEKSYON 10.9: Direktor sa Gawaing Pangkultura.

SEKSYON 10.9.1: Mamumuno sa pagpaplano ng gawaing Pangkultura.

SEKSYON 10.9.2: Mangangasiwa at tutugon sa mga problema na haharapin sa gawaing Pangkultura.

SEKSYON 10.9.3: Mag-uulat sa kalagayan ng gawaing Pangkultura sa pulong ng Pangrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.9.4: Maglabas ng memorandum at direktiba matapos na mai-sangguni sa Panrehiyong Pamunuan.

SEKSYON 10.9.5: Magiging katuwang ng pangalawang pangulong panloob sa gawaing consol.

ARTIKULO VIII: PAGTATALAGA AT TAGAL SA PANUNUNGKULAN

SEKSYON 1: Lupong Tagapagpaganap. Ang tagal sa panunungkulan ng Lupon ay ­­­­­­______________ o matapos mahalal hanggang sa muling pagdaraos ng Kongreso. Sinumang nahalal na kasapi ng Lupon ay maaaring muling kumandidato at mahalal na muli sa gayun ding posisyon hanggang sa ikalawang pagkakataon lamang. Ang pagsususpindi at pagtitiwalag sa panunungkulan ng sinumang halal na Kasapi ng Pangrehiyong Pamunuan ay isasagawa ayon sa patakaran at alituntunin ng Saligang Batas na ito.

SEKSYON 2: Ang mga Direktor ng mga Pangrehiyong Komite. Ang mga Direktor ng Pangrehiyong Komite, maliban sa mga espesyal na komiteng maaaring itayo ay manunungkulan sa tagal na ___________ o hanggang sa muling pagdaraos ng Kongreso. Ang mga naitalagang Direktor ng Pangrehiyong Komite ay maaaring palitan ayon sa magiging kapasyahan ng Panrehiyong Konseho ng mga Lider at ayon sa patakaran at alituntunin ng Saligang Batas na ito.

SEKSYON 3: Ang Lupong Tagapagpaganap ng Balangay. Ang halal sa Lupon ng Balangay ay manunungkulan sa loob ng dalawang (2) taon. Sinumang nahalal na kasapi ng Lupong ng Balangay ay maaaring muling kumandidato at muling mahalal sa susunod na pagkakataon (2 terms). Ang pagsuspindi at pagtitiwalag sa panunungkulan sa sinumang halal na Kasapi ng Lupon ay isasagawa alinsunod sa magiging kapasyahan ng Konseho ng Balangay ayon sa Saligang Batas na ito.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento